^

PSN Showbiz

Arra, rarampa sa Grand Santacruzan

Pilipino Star Ngayon
Arra, rarampa sa Grand Santacruzan
Arra San Agustin

Ang bayan ng Binangonan, Rizal ay isa sa itinuturing na mayaman sa Kultura at tradisyon. Isang kaugaliang kinalimutan ng mga taga-Binangonan ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid, na kung saan matatagpuan ang kalbaryo na lalong pinaayos at pinaganda.

At ito ay nagsisilbing pasyalan ng mga local at dayuhang turista ang nagsasadya dito para sa siyam na araw ng panalangin (lutrina) bilang parangal sa krus.

Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga Kastila sa bansa at dahil naging bahagi ng tradisyong Pinoy, ito ay may temang Kabataan, Pag-ibig at Pasasalamat.

At dahil dito sa gaganaping pagdiriwang sa Mayo 7, 2023 sa ganap ng 7:00 ng gabi. Bahagi ng nasabing pagdiriwang ang Grand Santacruzan, tampok ang magandang Kapuso aktres na si Arra San Agustin na lumalabas sa Happy ToGetHer katambal ni John Lloyd Cruz at Mga Lihim ni Urduja.

Sina Raphael Landicho na gumaganap na Voltes V bilang Haring Konstantino at Randel Amos Ynares, miyembro ng Binangonan Lakehounds Basketball Team, konsorte ni Arra.

Ayon sa Event Consultant na si Gomer Celestial, gagamitin ni Arra ang gown na likha ni Eboy Visande at Michael Ponce para kay Raphael.

Panata ang turing sa Santacruzan ayon kina Brgy. Chairman Gil “Aya” Anore at Kgd. Jennelyn Villegas, chairman on Education, Culture and Tourism.

Magbibigay-kulay rin sa pagdiriwang sina Jamie Margaret M. Lagarejos bilang Reyna Elena I at Catherine Ojeda, Reyna Emperatriz. Sa gabi ng pagdiriwang ay pipili rin ng magiging Reyna ng Santacruzan 2023.

SANTACRUZAN

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with