DL nina Janine at Zanjoe, may fancon sa Amerika
Ang bongga ng Dirty Linen.
Massive ang success hanggang ibang bansa.
Kaya naman may gaganapin silang Fan Conference sa Amerika.
$55 and $85 ang presyuhan ng mga ticket.
Una nang nag-post tungkol dito si Janine Gutierrez.
Anyway, doble-doble na ang mga makapigil-hiningang mga eksena at pasabog na rebelasyon sa pagsisimula ng bagong kabanata ng Dirty Linen na tiyak na magpapataas ng dugo ng mga manonood pagkatapos mag-trending sa social media ang trailer at official poster para sa season two.
Ipinasilip sa trailer kung paano tuluyang mabibilog ni Mila (Janine Gutierrez) ang ulo ni Aidan (Zanjoe Marudo) at ang magiging epekto ng kanilang pag-iibigan sa kani-kanilang mga pamilya.
Noong Marso, nakapagtala ang Dirty Linen ng pinagsama-samang higit isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live kung saan inulan ang serye ng papuri dahil sa kwento nito.
- Latest