^

PSN Showbiz

Ryzza inilaban ng TVJ para ‘di tanggalin, bawal judgmental pinapatsugi na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ryzza inilaban ng TVJ para �di tanggalin, bawal judgmental pinapatsugi na!
Ryzza Mae Dizon

Inilaban diumano nina Tito, Vic and Joey na ‘wag tanggalin si Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga.

Gusto raw kasing palitan ng bagong management ng TAPE Inc. si Ryzza. At plinaplano raw palitan nung batang winner from Dipolog.

Pero talaga raw pinaglaban ng TVJ na ‘wag tanggalin si Ryzza at binanggit daw na baka pwedeng mag-partner na lang ang dalawa.

Isa pa raw sa gustong tanggalin na portion ng Eat Bulaga ay ang Bawal Judgmental.

Anyway, ayon pa sa narinig kong usap-usapan tumaas daw ang rating ng Eat Bulaga lately pero ang sabi ay nabawasan ang sponsors nito.

Samantala, dahil sa sinabi ni former senator Tito Sotto na may offer sa kanila ang dalawang channel para sa nasabing programa, narinig ko na may possibility nga raw na madala ang buong programa sa ibang network dahil ilalaban daw talaga ng TVJ.

Nauna nang sinabi ni tito Sen na “If you are talking about Eat Bulaga, it’s owned by Joey de Leon and Tito, Vic, and Joey. Now, if you are asking about TAPE, TAPE is owned by them.”

Habang sinusulat namin ito at wala pang bagong sagot ang grupo ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, ang Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa mga pahayag ng dating senador.

 

vuukle comment

RYZZA MAE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with