Easy Listening Nestor Cuartero, personal niyang mga kuwento
The UST Publishing House (USTPH) spotlights a new release in its creative nonfiction shelves, titled Easy Listening by Nestor Cuartero, na compilation ng mga personal na kuwento ng veteran journalist at book author sa kanyang pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa -- mula sa pagiging ama hanggang sa mga pagdiriwang sa mga biyaya ng kalikasan -- na pawang sinulat gamit ang karanasan bilang peryodista at malikhaing pananaw bilang manunulat.
Mababasa sa 116 na pahina ng libro ang mga kagandahan ng mga pangkaraniwang bagay sa araw-araw, palakaibigang mga kapitbahay, paglalakad-lakad sa hapon, ang matamis-maasim na mga prutas, ang kasiyahan sa pakikinig sa pagmamadali araw-araw at marami pang iba.
Ito ay panulat sa paraang tila paglalakad lamang sa masigla at pamilyar na daan pauwi sa tahanan.
Nailarawan ng acclaimed essayist at fictionist na si Cristina Pantoja Hidalgo ang ganitong kuru-kuro sa Introduction ng libro: “All in all, the book makes for a pleasant experience. It’s like having a casual visit with the author, on a quiet afternoon, sharing a cup of that Baraco coffee, and conversation on this and that, and the other. One comes away from the experience realizing that one is feeling lighter and better about oneself and the world, as a result of the friendly companionship, and the homespun wisdom.”
Ayon kay Sir Nestor Cuartero, ang Easy Listening ay walang iba kundi ang tinatawag ni Andrew Rooney na “pieces of my mind.”
Sa kanyang sinulat: “Happily, they are just that, rumblings, not rants, on what is true, good, beautiful and memorable.
“Jotting them down, glossing over them, make, for me, the essence of a good life. Enjoying them through sheer remembrance, seizing the moment, listening to winds of change, looking back with joy in one’s heart, is one secret to youthfulness and towards happy old age.
“And so, with this in mind, and with heart throbbing and thriving, the title of this slim collection was born: Easy Listening.
“Hope this book catches you in that joyful mood, light and free and easy, as when I started and finished writing its contents.”
Available na ang mga kopya sa UST bookstore sa Main Building, at sa UST online bookstores sa Shopee (https://bit.ly/3VJP9uf) and Lazada (https://bit.ly/3Fld6mt).
Maaari ring kumontak sa DM, PM (sa Facebook) o magpadala ng text sa 0917-800-5986 para sa mga detalye o orders.
Congratulations Sir Nestor.
- Latest