Beaver at Mutya, may clamor na maging loveteam for real
Pagkatapos ng maingay na promdate ng young actor na si Beaver Magtalas at former Kapamilya child actress Mutya Orquia sa Star Magical Prom, ang daming umaasang magiging regular na ang loveteam nila.
Marami ngang kinilig sa ginawang promposal ni Beaver sa dating child star na nakilala rin sa Be Careful With My Heart.
Nagsulat pa si Beaver ng tula at hinarana si Mutya sa Tagaytay.
Very traditional ang naging promposal nito sa former child actress na napanood din sa Mars Ravelo’s Darna.
Natural ang kilig sa kanila lalo nung Star Magical Prom na.
Matagal na actually silang magkakilala ayon kay Beaver, na nag-umpisa sa Star Magic workshops.
Anyway, unti-unti nang umuusad ang career ng artist ng ABS-CBN Star Hunt na unang napanood sa pelikulang Genius Teens.
After Genius Teens ay bumida siya sa digital series na Rommate na talaga raw pinaghirapan niya.
Sa kasalukuyan ay nagso-shooting siya para sa The Untold Story of Imelda Papin directed by Gabby Ramos na director din nila sa Rommate.
“On a film set everyone is very cool. Well, blessed really,” post ni Beaver.
Anyway, ‘pag tinatanong ang young actor kung ano ba talaga sila ni Mutya, ngumingiti lang ito.
- Latest