Rachel Arenas, ramdam ng taga-showbiz
Talagang napakabait na tao at very sincere ni Cong. Rachel Arenas na dating chairperson ng MTRCB pero ngayon ay congresswoman na ng Pangasinan.
Sila ni Cong. Baby Arenas na mother ni Rachel ang masasabi mo na talagang friend ng mga taga-showbiz. Lagi silang aware sa mga kailangan ng mga taga-showbiz, at laging bukas ang palad sa pagtulong. Kaya naman talagang napamahal nang husto ang mga Arenas sa lahat ng nakilala nila dahil nga sa kanilang kindness at sweetness.
Hindi mo malilimutan na lagi silang nandiyan para tumulong sa sinuman basta kaya nila. Thank you, Cong. Rachel Arenas, appreciate much ang pagmamahal mo.
Mga producer, pinag-iisipang mabuti kung paano ibalik ang interes sa local films
Siguro talagang about time na mag-isip ang mga taga-showbiz paano ibabalik ang interest ng mga tao sa panonood ng local films. Kasi nga, hindi masyadong naging maganda ang resulta ng Summer Metro Manila Filmfest.
Kaya ngayon pinag-iisipang mabuti ng producers kung sasali o hindi sa darating na December Film Festival.
Sana naman huwag manghina ang loob nila at gumawa pa rin ng pelikula. Sana naman suportahan na ito ng moviegoers. Kailangan talaga maging aware ang lahat na tulungan ang local showbiz dahil marami ang umaasa dito.
- Latest