^

PSN Showbiz

‘Inatake’ sa kanilang bakasyon ex ni Boobay, natatakot

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
‘Inatake’ sa kanilang bakasyon ex ni Boobay, natatakot
Boobay at Kent

Nabahala ang mga malalapit na kaibigan ni Boobay sa kanyang kalusugan pagkatapos ng nangyari sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Isa sa nag-aalala ay ang ex-boyfriend niyang si Kent Juan Resquir, isang physiotherapist na naka-base sa Australia.

Nagbakasyon siya rito sa Pilipinas nung nakaraang buwan at nabanggit pa ni Boobay sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda na magkasama pa silang nagbakasyon sa Palawan kamakailan lang.

Hindi man sila nagkabalikan, nanatili pa rin naman daw silang magkaibigan.

Kaya nag-alala itong si Kent nang nakarating sa kanya ang balitang nagka-mild seizure ito sa naturang guesting.

Nag-post si Kent sa kanyang Facebook account nung nakaraang Biyernes at ibinahagi niya itong nangyari rin daw ito sa komedyante nung nagbabakasyon sila roon.

Bahagi ng FB post nito na naka-tag din kay Boobay, “At first, I thought he was just daydrea­ming or lost in thought, but as the days went on, I noticed it happe­ning more frequently. Boobay would suddenly stop mid-sentence and stare blankly into space for a few seconds before snapping back to reality and trying to continue the conversation as if nothing has happened.

“I was concerned and asked him if he was fee­ling okay, but he brushed it off and said he was just tired from working. However, the episodes persisted throughout our trip, and I couldn’t help but worry. I was trying to give him calming massage to his hands and deep breathing exercises. We still tried to continue enjoying our trip, albeit with some caution. Still, I did heaps of monitoring.”

Sinubukan pa raw ni Kent na magha­nap ng neurosurgeon sa St. Luke’s hospital. Pero katigasan din daw kasi ng ulo si Boobay.

Pagpapatuloy nito, “I mentioned what happened to him and he has to seek his neurodoctor. He always say yes, but he was stubborn. He is still scared of going to hospital. I even contacted St. Luke’s to find a neurosurgeon.”

Nakakatuwa nga itong ex-boyfriend ni Boobay dahil kahit wala naman silang relasyon, nandiyan pa rin friendship at na-claim na nga ni Kent na siya ang namamahala pagdating sa kalusugan ng ex-dyowa.

“Yes, we broke up but I still care for him. And yes, I am still his manager when it comes to his health because he is precious to me. I understand that he is going through a tough time, and I apologise and empathise with the pain that he is experiencing. While I want him to stay strong, I also encourage him to be kind to himself as he navigates through life’s challenges. STAY STRONG!”

Isa lang naman daw ang hangad ng mga malalapit na kaibigan ni Boobay, na magpahinga muna ito. Huwag pahirapan ang katawan sa trabaho.

Bukod kasi sa regular taping niya sa The Boobay and Tekla Show, naglalagare pa raw ‘yan sa gigs niya sa Klownz na comedy bar ni Allan K.

Meron pa siyang tinatanggap na mga out-of-town performance, at dire-diretso na siya sa taping niya.

Naikuwento rin sa amin minsan na biglang hinimatay na lang daw ang komedyante sa isang gig niya sa Klownz.

Pinagpahinga raw siya sandali sa backstage at pinapauwi na raw sana siya, pero ayaw raw niya. Nagpamasahe lang daw siya sandali, tapos bumalik na ito sa stage.

Napag-alaman ding ilang linggo na raw siyang naga-Grab car, dahil ayaw raw niyang mag-drive ng kotse niya.

Natatakot din siyang baka bigla na lang siyang atakehin ulit habang nagmamaneho.

Isa raw sa sobrang nag-aalala ay ang bestfriend niyang si Marian Rivera.

Pagkatapos daw nitong nangyari sa kanya sa Fast Talk, tinatawagan daw siya ng Kapuso actress pero hindi raw nito sinasagot.

Natatakot daw si Boobay na mapagalitan lang siya at pagsabihang magpahinga muna.

Nakakatakot nga ‘yung sinabi niya sa panayam sa kanya ni Kuya Boy na kung hihiling daw siya sa santo, hihiling daw siya kay St. Peter na kung puwede pabalikin daw ang namayapa niyang ina.

Bahagi ng pahayag niya, “Kaya ako nag-artista, kasi ‘yun ang pangako ko sa kanya na sana, kapag naging artista ako, isa ka sa talagang gusto ko na nandito at makikita mo ‘yung pagpapatawa ko at pagpapasaya sa mga tao.”

Sabi pa niya, “St. Peter, nandiyan ka ba? Wala?

“So, kung hindi puwede, ‘di ako na lang ang pupunta diyan soon. Ready na ako anytime.”

Beauty, itatayo ang bandila ng mga bisaya

Ginanap na ang story conference kahapon ng bagong sitcom sa GMA 7 na pagbibidahan ni Sen. Bong Revilla.

Mula ito sa hit movie ni Sen. Bong na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Kasama niya rito sina Beauty Gonzalezs, Max Collins at magka-loveteam na Kate Valdez at Kelvin Miranda.

Kasama rin pala rito sina Ronnie Ricketts, Nino Muhlach, Maey Bautista, bagong Sparkle talent na si Angel Leighton at ang Little Jon ng Voltes V na si Raphael Landicho.

Ginanap ang storycon sa rest house ni Sen. Bong sa Cabangaan sa Silang, Cavite na sinamahan din ng ilang executives ng GMA 7.

Perfect si Beauty sa role nilang bisayang asawa ni Tolome na ginagampanan ni Sen. Bong.

Excited si Beauty dahil maitatayo raw niya ang bandera ng Bisaya kagaya niya, at ngayon pa lang niya ito gagampanan.

Doon nga sa storycon ay pinapraktis na ni Beauty na tinatalakan niya si Sen. Bong ng Bisaya.

Naka-schedule ang airing nito sa buwan ng June.

vuukle comment

ACTOR

COMEDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with