Tiana Kocher, mas unang nakilala sa Amerika bilang R&b singer!
Tanggap na ng singer/songwriter na si Tiana Kocher na magkakaroon ng comparison sa kanya at sa mga pinsan niyang si Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna na parehong kilalang singer.
Given na aniya ang ganun bilang galing sila sa iisang pamilya.
“It’s a given, well, I actually respect na they love what they do. I think it’s very different genres but I can also learn a lot from them,” katuwiran ni Tiana na mas unang nakilalang R & B singer sa US.
Youngest daughter si Tiana ni Ms. Katrina Ponce Enrile (daughter ni Juan Ponce-Enrile) na all out ang suporta sa anak.
Kahapon nga ay nagkaroon ng press launching ang latest single ni Tiana na Slow It Down na ginanap sa Delimondo Cafe.
Present ang mommy niya.
Lumaki sa Pilipinas si Tiana na mahilig kumanta at sumayaw. Pero naka-base siya sa Amerika sa kasalukuyan.
Merong over 6 million streams si Tiana as an independent artist at ang kanyang debut single na Just My Type ay pumasok sa Top 40 Indie Chart na sinundan ng Paint the Town at Swing Batter na lumabas sa Croc commercial para sa motion picture na What Men Want.
Hindi lang ‘yun, dahil ang kanyang record na U Tried It, na inilabas noong Oktubre 2019 ay ginawa ng four-time Grammy nominated record producer na RoccStar.
Nakipag-collaborate na rin siya with several Grammy award winning recording artists including TLC, Faith Evans, Sage the Gemini, Aj McLean of the Backstreet Boys, Citizen Queen, Bobby V, ASAP Rocky and Latin artist J. Alvarez among others, as well as multiple award-winning songwriters in both mainstream pop and R&B.
Kamakailan lang nagtapos siya sa prestigious entertainment school na Full Sail University ng bachelor’s degree in Music Business. Mayroon din siyang associates degree sa Musical Theater mula sa Cambridge School of Visual and Performing Arts. Bahagi siya ng Grammy U pati na rin ang National Society of Collegiate Scholars.
Noong April, 2020, nakipag-team up si Tiana with social media giant TikTok during COVID-19 para sa 30-day charity and community driven contest kung saan ay magsasayaw ang mga tao sa kanyang single na Don’t Trip.
Ang #DontTripChallenge na ito ay nakalikom ng mahigit P158,500 for both the Philippine and American Red Cross, and generated over 12 million views.
Ngayon ay wala pa siyang manager sa bansa though may agent siya sa Amerika.
Siya ang nagsusulat ng lahat ng kanyang music at kung may gusto siyang maka-collab, ok sa kanya si Kiana Valenciano na sa Amerika na rin naglalagi.
Lola niya sa ama na sina Armida “Tita Midz” Siguion Reyna at Irma Ponce Enrile Potenciano, at lolo niya si Chito Ponce Enrile, tito si Carlitos Siguion Reyna at tita Bibeth Orteza (at kanilang mga anak na sina Rafa at Aya), pinsan na si Cris Villonco at, ang kanyang lola sa ina na si Cristina Castañer Ponce Enrile.
- Latest