^

PSN Showbiz

Film fiesta sa pasko, inaabangan na ang kahihinatnan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Gusto ko talaga na sana maraming producers ang sumali sa filmfest sa December.

Sana naman maging success ang festival para hindi tuluyang mamatay ang showbiz.

Totoong iba na ang panahon sa ngayon, na ang laki ng pagbabagong ginawa ng pandemic.

Pero sana naman huwag tuluyang mabura ang showbiz.

Nandiyan pa rin naman ang TV, at mukha ngang mga bagong mukha na ang hinahanap ng followers.

Tulad nga sinasabi ko, nawala na ang star system.

Pero sana naman huwag tuluyang malugmok ang showbiz industry. Napakarami ng mga umaasa sa trabaho nila sa pelikula na maaapektuhan.

Maraming showbiz workers ang magiging jobless ‘pag tuluyang maging tahimik ang paggawa ng movies.

Sa TV na lang ngayon busy ang taping at puwedeng lumabas ang mga artista.

Kaya please, sana naman suportahan na natin ang darating na filmfest sa December.

Julie Anne, nahirapang mag-Japanese

Inaabangan na ang pagkanta ni Julie Anne San Jose ng theme song ng Voltes V: Legacy.

Marami ang namangha  nang mapanood nila ang special edit ng Voltes V Legacy: The Cinematic Experience at narinig ang pag-awit niya. Nadama raw ang anime vibes nang kantahin nito ang theme song na Japanese pa.

Puro positibo ang natanggap ng Asia’s Limitless Star na komento mula sa netizens.

Nagpasalamat din siya dahil isang karangalan daw na maging parte ng groundbreaking project na ito ng GMA Network lalo na at fan daw talaga siya ng Voltes V noong bata pa siya.

Talagang pinatunayan niya ang galing niya na gumanap din bilang Maria Clara sa katatapos lang na seryeng Maria Clara at Ibarra. Nag-aral siyang magsalita ng Spanish sa serye at ngayon naman ay Japanese na aminadong nahirapan siya.

DECEMBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with