GMA, nakakuha ng 2 gold at 2 bronze sa NYF
Nag-uwi ang GMA Network ng dalawang Gold and two Bronze medals, and five Finalist Certificates at the prestigious 2023 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Winners were revealed last April 19 (Philippine time) during the virtual Storytellers Gala.
Nagtala rin ng panibagong record ang award-winning public affairs show and multi-platform leader Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), na nakakuha ng kauna-unahang NYF World Gold medal para sa Sugat ng Pangungulila (Wounds of Woes).
Ang host nito na si Jessica Soho, ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng Bronze medal sa Best News Anchor category sa NYF Awards noong 2018.
Ang multi-awarded documentary program naman na The Atom Araullo Specials ay nagdagdag ng isa pang World Gold medal sa roster nito ng NYF trophies matapos masungkit ang Documentary: Social Issues category na may Mata sa Dilim (Eye in the Dark). Unang ipinalabas noong 2022, ipinakita ng kuwento ni Atom Araullo kung paano at bakit naging silent pandemic sa online na sekswal na pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata.
Habang ang online newscast ng Digital Video Lab na Stand for Truth ay tumanggap ng una nitong NYF award – Bronze medal sa Documentary: Cultural Issues category.
Ang Maria Clara at Ibarra, ang primetime masterpiece ng GMA Entertainment Group, ay gumawa ng bagong kasaysayan nang manalo ito ng Bronze medal sa Entertainment Program: Drama category.
Ang serye ay pinangungunahan ng 2016 Fantasporto International Best Actress at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, at Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Ibarra.
Idinaraos taun-taon at pinarangalan ng New York Festivals TV & Film Awards ang content sa mahigit 50 bansa.
- Latest