^

PSN Showbiz

ABS-CBN restored films, tampok sa 29th Vesoul International Film Festival

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN restored films, tampok sa 29th Vesoul International Film Festival
Leo Katigbak

Itinampok kamakailan ang ilan sa digitally restored classics ng ABS-CBN Film Restoration sa nagdaang 29th Vesoul International Film Festival na ginanap sa France.

Ilan sa mga ipinalabas sa international big screen ang digitally restored version ng Nunal sa Tubig tampok si Elizabeth Oropesa, ang war-drama classic na Tatlong Taong Walang Diyos na pinagbidahan ni Nora Aunor, at ang historical-drama film ng Star Cinema na Dekada ‘70 nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Piolo Pascual.

Maliban dito, isa rin sa panel speakers ang ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak sa roundtable discussion nito patungkol sa estado ng pelikulang Pilipino at ang pag-restore ng natatanging Filipino classics.

Ikinatuwa rin niya na mapansin pa ng mas nakararaming global audience ang ilan sa restored Filipino classics, lalo na at ilan sa mga ito ay gusto rin nilang i-tampok sa mga susunod na international film festivals.

“It’s also been heartwarming to receive many inquiries for our restored films to participate in festivals. I feel that the foreign attention will also benefit us here since it gives the films prominence and a higher profile,” saad ni Leo.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkilala ng restored Filipino classics sa iba’t ibang panig ng mundo, nais ng Sagip Pelikula na hikayatin at mabigyang-pansin ng bagong henerasyon ng manonood sa bansa ang kanilang adbokasiya. Kaya naman patuloy silang nakikipag-ugnayan sa ilang respetadong local film organizations, tulad ng Film Development Council of the Philippines at iba pa.

Maliban pa rito, malugod ding ibinahagi ni Leo ang mga dapat abangan mula sa Sagip Pelikula sa mga susunod na panahon. Aniya, sa kabila ng mga hamong hinaharap ng ABS-CBN, patuloy silang maglalabas pa ng restored Filipino classics, partikular ang ilang natatanging pelikula noong pre-World War II at noong golden age ng Pinoy cinema noong 1950s, tulad ng Mutya ng Pasig ngayong Abril at ang unang LVN Pictures film na Giliw Ko.

Sa ngayon, umabot na sa higit 200 na pelikula ang na-restore at remaster ng Sagip Pelikula, kabilang ang marquee titles nitong Himala, Oro, Plata, Mata, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Kakabakaba Ka Ba?, Ibong Adarna, at iba pa.

LEO KATIGBAK

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with