Romnick, umaasa pang panonoorin sa sinehan ang pelikulang nagpanalo sa kanya ng best actor
Hanggang Martes na lamang mapapanood ang mga pelikulang kalahok sa Summer Metro Manila Film Festival. Kamakailan ay humakot ng parangal ang pelikulang About Us But Not About US na pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas.
Malaki ang pasasalamat ni Romnick dahil sa Best Actor award na kanyang natanggap. “Masaya lang kami na napili ‘yung pelikula namin at pinanood ng mga tao. It’s very honoring, it’s very flattering. I am very grateful, salamat sa mga nagpu-push at nagsabi na dapat kaming ma-nominate. Wala akong pwedeng sabihin kundi maraming salamat,” nakangiting pahayag ni Romnick.
Umaasa ang aktor na mas marami pang tagahanga ang makapanood sa sinehan dahil talagang maipagmamalaki niya ang kanilang pelikula.
Nasungkit din ng About Us But Not About Us ang Best Picture, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing, Best Sound, Best Musical Score, Best Production Design, Best Director at nakakuha rin ng Special Jury Prize si Elijah. “Sana ‘yung mga hindi pa nakakapanood, panoorin n’yo. Give the film a chance. Alam ko may mga tao lalo na sa generation ko may mga tao na nagdadalawang-isip kasi feeling nila ‘yung topic, sa kinalakihan nila, medyo may taboo na. Pero give the film, story a chance. Mag-open up kayo, maganda ‘yung pelikula,” dagdag pa niya.
Ayon kay Romnick ay mas lalo pa niyang pagbubutihin ngayon ang trabaho bilang isang aktor. “It’s always been a gift to be able to tell a story, na maging bahagi ka ng pagkwento ng isang salaysay. So nai-enjoy ko ‘yung proseso, nai-enjoy ko ‘yung development ng story, ‘yung craft, ‘yung pag-arte, and anything beyond that is a bonus. For my next projects, I’m not yet at liberty to talk about it but there are some things in the pipeline,” pagtatapos ng aktor.
David, nakaligtas sa kamatayan noon
Itinuturing ni David Licauco na pangalawang buhay na ang mayroon siya ngayon. Noong kabataan ay nakaranas umano ng isang vehicular accident ang Kapuso actor. “Magbabarkada kami, high school friends and we deciced to go to Tagaytay. Tapos ‘yung pag-uwi namin na-hit namin ‘yung gas truck sa SLEX. I was in the passenger seat in front, parang miracle siya. ‘Yung parking boy nasa side ng driver pero for some reason parang miracle na lang for me na nando’n siya sa side ko. Sabi niya, ‘Sir seat belt lang po ha.’ Sabi niyang gano’n. Natulog ako kasi I was really sleepy. And do’n sa toll gate for some reason nagising ako bigla parang may gumising sa akin and I remember what that parking boy told me and then I did. Nag-seatbelt ako and after 10 minutes along Parañaque, we hit a gas truck,” pagdedetalye ni David.
Ang matalik na kaibigan ng aktor daw ang pumanaw nang dahil sa naturang aksidente. “We were five and ‘yung best friend ko namatay siya. At that point wala akong ibang maisip kundi pumunta sa hospital. Everyone was crying. I tried my best to help but I couldn’t help anyone because I couldn’t even help myself. He was my best friend. He was my neighbor and we grew up together. And I would always play basketball with him,” kwento ng binata.
Aminado si David na noong mga panahong bed-ridden siya dahil sa aksidente ay mayroong mga pagkakataong sinisi niya ang sarili dahil sa nangyari. “Sinisi ko rin kasi sarili ko ‘coz what if I didn’t sleep? What if sinamahan ko ‘yung driver na parang pwede siyang maiwasan kung mas naging aware ako, mas naging wise ako in that situation,” pagtatapos ng Kapuso actor. — Reports from JCC
- Latest