^

PSN Showbiz

Gardo, kailangan ulit ng angioplasty!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gardo, kailangan ulit ng angioplasty!
Gardo Versoza

Pagkatapos na manalong Best Actor ni Romnick Sarmenta sa Summer Metro Manila Film Festival, sunud-sunod na ang mga trabahong dumarating sa kanya.

Ang isang magandang project na napunta sa aktor ay ang pagpalit niya kay Gardo Versoza sa isang mahalagang role sa Unbreak My Heart ng GMA 7.

Napilitan ang GMA 7 na tanggalin si Gardo dahil sa kanyang health condition, pagkatapos niyang ma-heart attack nung nakaraang buwan.

Dumaan siya sa angioplasty at okay naman ang kanyang recovery, pero kailangan niya talagang magpahinga at marami pang bawal sa kasalukuyan.

Mahihirapan lang si Gardo, at pati na rin ang production ng Unbreak My Heart kung ipagpatuloy pa ang aktor. Kaya nag-decide silang palitan na lang ito at si Romnick ang masuwerteng napili.

Kailangang i-reshoot ang mga eksenang nakunan na ni Gardo.

Nakausap namin ang asawa ni Gardo na si Ivy Vicencio na matiyagang nag-aalaga sa aktor.

Maayos naman daw silang nakausap ng production staff ng naturang drama series at naintindihan naman daw nila.

“Saka kinausap naman din po kami. Kaya naintindihan naman po namin,” pahayag ni Ivy.

Pero pinayagan naman daw si Gardo ng kanilang doktor na bumalik sa taping pero marami lang hindi na puwedeng gawin na kailangang sundin ng produksyon.

Iniingatan pa rin ang kalagayan ng aktor, kaya hindi siya puwede ng pangmatagalang taping, as in limitado lang ang oras.

Inalok siya na maging bahagi sa bagong sitcom na ipu-produce ng APT Entertainment. Willing silang sundin ang mga bilin ng doktor. “Buti may gagawin siya sa Jack en Jill sa APT po, kasama si Jake Cuenca,” pakli ni Ivy.

“Nagkasundo naman po kami dun sa mga kailangang iwasan during taping,” dagdag na pahayag ni Ivy.

Sabi pa ng misis ng aktor, bandang June ay i-schedule raw ulit si Gardo ng isa pang angioplasty. Kaya talagang pinag-iingat pa siya ng doktor.

Ang dami raw na-realize ni Gardo dito sa nangyari sa kanya. “Na-realize po niya na talagang kailangan ng regular checkup, at huwag abusuhin ‘yung sarili, kasi may lahi nga sila. So, dapat nag-doble ingat siya.

“Kasi sa lahi na po niya e. Tapos hindi pa nakakapagpa-check up. Naging aware na po siya sa health niya. Kasi iniisip namin healthy siya… hindi pala ganun,” sabi pa ni Ivy Vicencio.

Gerald at Kylie, tinutukan sa Family Feud

Maganda ang resulta ng rating ng selebrasyon ng Family Feud nung nakaraang linggo.

Naibalik nila ang mataas na rating na siyang nangunguna sa mga programa sa hapon.

Nung nakaraang Lunes na kung saan naglaro sina Gerald Anderson at Kylie Padilla para sa promo ng pelikulang Unravel, nakapagtala ito ng 9.4 percent.

Lalong tumaas nung Martes nang maglaro sila Kuya Boy Abunda kalaban sina Carmi Martin ng pelikulang 10 Little Mistresses, kasali si Arci Muñoz na iba na naman ang itsura ng mukha.

Pero nung Miyerkules ay ang laki lalo nang itinaas nang maglaro ang cast ng Hearts on Ice kalaban sa mga taga-TikToClock.

Pataas nang pataas pa kasi naglaro naman dito ang sikat na bandang Ben&Ben.

Malamang na mataas din nung Biyernes, na masaya ring naglaban sina Matet de Leon at Ice Seguerra.

Congratulations sa mga taga-Family Feud lalo na kay Dingdong Dantes.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with