Melai Cantiveros, sinupalpal ang mga asyumerang netizen
Pinakitang kasama si Jason...
Kinontra ni Melai Cantiveros ang mga asyumera sa social media na hiwalay na raw sila ni Jason Francisco.
“Good morning, mga kapisanan ng mga marites sa Pilipinas. Asawa po ako, hindi po ako pulis na hanapan ng mga nawawalang tao,” post niya sa kanyang Instagram story.
“Ayan na po hinahanap n’yo, buhay na buhay, walang kahit anong sugat, pinag-drive na po tayo,” dagdag ni Melai sa video habang nagmamaneho ang mister.
Porket hindi nakita sa post ni Melai ang mister sa birthday ng kanilang anak, nag-assume na sila na hiwalay na ang mag-asawa.
Hindi ito ang first time na napabalitang naghiwalay sila ng kapwa PBB alumna.
Pero laging salto ang mga asyumera lang.
Nagkaroon ng birthday celebration si Melai sa Magandang Buhay kahapon.
- Latest