^

PSN Showbiz

Dolly, may mensahe sa mga nag-aambisyong magkaroon ng career sa abroad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dolly, may mensahe sa mga nag-aambisyong magkaroon ng career sa abroad!
Dolly De Leon

Kamakailan ay gumawa ng ingay ang pangalan ni Dolly De Leon dahil sa Best Supporting Actress nominations na natanggap mula sa iba-ibang prestihiyosong award-giving bodies sa ibang bansa.

Napansin ng mga kritiko ang mahusay na pagganap ni Dolly bilang si Abigail sa pelikulang Triangle of Sadness. Hindi naman daw naghangad ang aktres na maiuwi ang mga parangal para sa naturang proyekto. “It’s hard to explain. I know it’s real but at the same time, kumbaga the next few seconds will more or less define you na agad as a person eh. Or your performance as an actor. So I’m going through a lot of different emotions at that point. I’ll be honest, whenever another name is announced, I felt relived, honestly. That is not me. Because I don’t like the idea of stan­ding up and going in front of all those people na ina-idolize ko and to talk in front of them and say thank you. May gano’ng factor,” paglalahad ni Dolly.

Mayroong mensahe ang aktres para sa mga kasamahan sa industriya na naghahangad ding mapasabak sa international scene. “Well, to all the actors trying their luck in the international scene, I think the first thing you have to do is ask yourself. It is a very important question and that is ‘Why?’ Why do you want to be there and based on the answer you get from yourself, explore that answer and check if you’re there for the right reasons. If you’re there for the right reason, there’s nothing wrong with fame and money. But your main reason should be all about finding the truth in the stories that we tell in the characters that we play,” makahulugang pahayag niya.

Importante para kay Dolly na aralin ang karakter at ang mga linyang bibitawan para sa mga gaga­wing eksena. “Go out and study, read, get together with minded people, other actors, filmmakers and have a discussion. Have coffee and read scripts and do reading. Use your phone, make your own films and explore and just keep doing. Because acting is doing. It’s not waiting so just keep doing it and keep working to get there,” dagdag pa ng aktres.

Indie Films, hindi nawawala sa sistema ni Coco

Hanggang April 18 mapapanood sa sinehan ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Summer Film Festival.

Isa rito ay ang Apag na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si Brillante Mendoza ang direktor ng naturang MMSFF entry.

Ayon kay Coco ay talagang hinahanap-hanap na niya ang paggawa ng independent films kaya tinanggap niya ito. “Nakaka-miss talaga. Kasi doon parang hindi kami nagsu-shooting. Iba kasi ang pag-acting sa indie films. Iba rin kasi ang pag-acting sa mainstream. At iba ang acting kapag sa teleserye. Masarap talaga kahit paminsan-minsan binabalikan mo kung saan ka nanggaling,” nakangiting paliwanag ni Coco.

Matatandaang maraming nagawa ang aktor na indie films noong nagsisimula pa lamang bilang isang artista.

Para kay Coco ay talagang kakaiba ang pelikulang Apag kumpara sa mga nagawa nila ni direk Brillante noon. “Sabi ko nga ito ang pinakamabait niyang pelikula, pinakamabait talaga,” giit niya.

Kasama rin sa bagong proyekto sina Shaina Magdayao, Joseph Marco, Ronwaldo Martin, Gladys Reyes, Lito Lapid, Gina Pareño, Mercedes Cabral, Jaclyn Jose at Julio Diaz.

Si Coco pa raw ang mismong tumawag sa ilang artista upang makasama sa pelikula. “Sobra akong proud dito sa pelikula. Iba naman sa pagkakataong ito feel good ang pelikula. Tungkol sa pamilya, tungkol sa kultura ng Pampanga, sa pagkain. Ano ba ang kultura ng Kapampangan? Nakakatuwa na nagkasama rin kami ulit ni Direk Dante sa isang magandang pelikula,” pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC

ACTOR

ACTRESS

INDIE FILMS

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with