^

PSN Showbiz

Eisel at Carlo hindi nagkaroon ng malisya, young actress ‘di kayang magpakita ng private parts

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Eisel at Carlo hindi nagkaroon ng malisya, young actress �di kayang magpakita ng private parts
Eisel at Carlo
STAR/ File

Ngayon lang nagbida sa pelikula ang leading lady ni Carlo Aquino sa Summer Metro Manila Film Festival entry na Love You Long Time, si Eisel Serrano.

Though medyo may experience na siya sa showbiz dahil ini-lauch siya sa Star Magic 2019 with Belle Mariano and Charlie Dizon.

Kaya naman thankful si Eisel kay Carlo na naging patient during the time na ginagawa nila ang kanilang unang pelikula.

Napatunayan niya rin daw na walang attitude si Carlo pagdating sa trabaho kahit na nga senior star na ito pagdating sa acting department.

“Bago pa lang ako, so siyempre, there were scenes that needed re-take. Marami silang instructions to me, so there were times that I get confused.

“I saw Carlo’s patience at wala siyang attitude. Mahigpit pa ang rules,” kuwento ni Eisel sa media conference ng Love You Long Time last week na ginanap sa Kamuning Bakery Cafe (since 1939) na pag-aari ng negosyanteng si Wilson Lee Flores.

Noong una raw, akala niya ay ka-batch niyang actor ang magiging leading man sa Love You Long Time kaya nang malaman niyang si Carlo, umamin siyang kinabahan siya.

“Pero he didn’t make me feel na bago lang ako. Sobrang bait niya kahit veteran na siya. Hindi ako nahirapan. I also didn’t expect that we would become friends.

“I can say na naging maganda ang pagsasama namin sa pelikula at nakilala namin ang isa’t isa,” dagdag pa ni Eisel na isang anak mayaman.

Umamin din siya na “Nag-reach out siya para makilala ako nang personal. Siguro bahagi iyon ng trabaho o part of the process ng proyektong ito. So hindi talaga ako na-intimidate,” dagdag ng young actress na ang pelikulang Anak ng Macho Dancer noong 2021 ang screen debut.

Kaya naman kinilala rin niya si Carlo, though wala raw romantic angle. Common knowledge na in a relationship ngayon si Carlo sa batchmate ni Eisel sa Star Magic, si Charlie Dizon.

Anyway, napanood na rin siya sa MMK at nakatrabaho si Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida.

Graduate siya sa UST, Summa Cum Laude at naging Miss UST din.

After this movie, willing sumubok sa sexy film si Eisel.

Like ano ang pwede mong i- expose?

“Siguro po skin lang pero private part, I don’t think... kaya ko ‘yun.”

Sino if ever ang gusto mong ka-partner?

“Sa sexy roles po? Maybe, Marco Gumabao.”

As of now ay wala na siya sa Star Magic.

“For now, I am a freelancer.”

Anong feeling mo na nakasama ‘to sa Summer Film Festival (SMMFF)?

“It’s so surreal po kasi hindi ko in-expect talaga because there are critique films and out of that critique films kasama pa kami considering na bago po ako. Sobrang pressured and I’m so excited para sa mga event ng MMFF.”

Kasalukuyan nang napapanood sa mga sinehan ang Love You Long Time directed by JP Habac under Studio Three Sixty

 

vuukle comment

EISEL SERRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with