^

PSN Showbiz

Willie Revillame, ginawang drama ang pag-alis sa ALLTV

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie Revillame, ginawang drama ang pag-alis sa ALLTV
Willie
STAR/ File

Kahit wala namang kontrata...

Naloloka talaga ako na pinalalabas na nag-resign si Willie Revillame sa ALLTV dahil gusto na niya sa ibang network.

At parang kumalas siya sa bagong network ng mga Villar dahil wala siyang programa na ginawang legit story ng marami. ‘Di muna sila nag-verify kung may kontrata ba ito o wala sa ALLTV bago pinagkalat.

First of all, uulitin ko, wala siyang kontrata sa ALLTV.

Pangalawa, binibigyan siya ng airtime at bahala siya sa commercial pero ayaw ng ganung setup.

Tanggapin natin na wala nang ningning si Willie Revillame kaya hindi na patok ang programa niya. Kung nu’n siguro, kahit saang channel o network bongga siya, ngayon iba na ang panahon.

Wala na talaga iyon dati niyang ningning kaya dapat lang na huminto na muna siya at magpahinga.

Harapin ang katotohanan at huwag ipilit pa at lagyan ng maraming drama.

Mas maganda pa na merong graceful exit at baka sakali na ‘pag bumalik maging bongga uli.

Maging practical na tanggapin kung ano ang pulso ng tao.
‘Pag gusto ka, ok, ‘pag medyo hindi na, retreat muna. Unsolicited advice iyan, kung tanggapin niya, mabuti, kundi ok lang.

Basta para sa akin dapat ganyan ginagawa ng bawat celebrity na nabawasan na ang ning­ning. Hindi lang si Willie Revillame.

Saka saang channel niya ba balak lumipat?

Kaloka siya noh.

vuukle comment

ALLTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with