USA at New Zealand, pinalakas ang adbokasiya ng Knowledge Channel
Mas pinalakas at pinatibay ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) ang kanilang adbokasiya sa early childhood development education sa pamamagitan ng pagpasok sa partnership katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) at pagtanggap ng exclusive High Embassy Fund (HEF) Grant mula sa New Zealand.
Ang Knowledge Channel ay mamamahagi ng on-air at online video lesson ng My TV School, na binuo ng USAID at RTI International kasama ang Department of Education para sa Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) project. Layunin nitong mahasa ang interes at mastery ng mga mag-aaral sa K-3 sa apat na macro literacy skills sa English – pakikinig, pagbasa, pagsasalita, at pagsulat.
“We thank the Knowledge Channel Foundation, Inc. for taking interest in our initiative to help further promote learning and ensure access to education, particularly for the most vulnerable and marginalized children in the country. We, at USAID, believe that engaging with private foundations like Knowledge Channel Foundation, Inc. can help improve and strengthen the quality of education and further encourage investments in the education sector,” pahayag ni USAID acting mission director Rebekah Eubanks.
Samantala, sa pamamagitan ng New Zealand HEF Grant, dadalhin ng KCFI ang Learning Effectively through Enhanced and Evidence-based Pedagogies (LEEP) project sa mga child development workers, teachers, care providers, at mga magulang ng mga batang 3-4.11 taong gulang mula sa 11 barangay sa Burgos, Ilocos Norte. Makakatanggap din sila ng Knowledge Channel Portable Media Library para sa early childhood development (KC PML-ECD), na naglalaman ng mga offline na video lesson at resources.
“We recognize that this partner (KCFI) is passionate about doing something in the community and we also recognize that this partner has a track record, capability, or capacity. Those are probably the three (3) big things that we look at when we hope to partner with a community,” pahayag naman ni New Zealand Ambassador to the Philippines, Peter Kell.
Patuloy din ng ugnayan ng KCFI at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na may hatid na bagong 50 episodes ng Wikaharian, isang animated series sa Filipino na naglalayong tulungan ang mga estudyante, partikular na ang mga mag-aaral sa Grade 2, na mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pundasyon sa pagbabasa.
“We hope that by bringing these video lessons to more audiences all over the country, we will be making a meaningful contribution to the efforts of schools, teachers, and parents all over the country who are working hard to enrich the learning of their students and children,” pahayag ni KCFI president and executive director Rina Lopez.
- Latest