Mga nagkakaedad, mabilis mainip!
Naloloka na naman ako dahil wala na namang cable.
Libangan ko pa naman ang manood nonstop sa TV ‘pag nasa bahay ako pero bakit ganun, ang dalas masira ng cable namin dito sa Fairview, huh huh.
Kaya tuloy bored na bored ako at walang magawa, gusto ko tuloy buwisitin ang ‘friends’ ko na ‘wag na nating banggitin ang pangalan para magkaroon ako ng mental challenge.
Lahat din ng pages ng Pang Masa at Pilipino Star NGAYON kahapon nabasa ko na, wala pa rin kaloka.
Ano na nga kaya ang puwedeng paglibangan ng isang senior na tulad ko ‘pag walang TV? Talagang sa edad ko yata konting discomfort parang big issue na, hah hah.
Pero talagang dapat maging maayos ang cable dahil marami na silang kumpetensiya, dapat laging nakaayos ang signal at hindi napuputol. Dahil bayad naman sa oras ang mga subscriber kaya dapat maganda ang service. Hay naku, kailangan talagang matuto na akong manood online, or else, suffer to the max ako ‘pag sira ang cable.
Naku simulan ko na agad ang pag-aaral ng panonood sa streaming platforms.
At pag nangyari ‘yun, mababawasan na naman ang mga nanonood ng TV.
Hahaha. Joke lang.
Pero sa totoo lang mas type ko talagang manood ng TV noh lalo na ng mga Korean drama na parang laging may aral kang mapupulot.
- Latest