^

PSN Showbiz

Matulis na aktor, ‘di pinatos ng bagets na nilandi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

“Huli ka balbon!” ‘yan ang reaksyon ng ibang kalalakihan nang mahuli ni misis si guwapong aktor na may kalandiang magandang girl.

Pero kung ganda na rin lang at ganda, mas maganda pa rin ‘di hamak si misis.

Baka type lang daw ni guwapong aktor na makipagtikiman, walang seryosong relasyon.

Kaya sana dinedma na lang ito ni misis.

Hindi na lang daw niya sana pinatulan ang kakuyangyangan ng asawang aktor.

Kilala na raw nila kung gaano katulis si guwapong aktor. Minsan nga raw sa taping ng isang drama series na kung saan naka-lock in pa sila, nilandi-landi rin daw nito ang bagets na aktres.

Akala raw ni aktor papatol si bagets na aktres, pero hindi. Umiwas daw si bagets na parang natakot daw kay guwapong aktor.

Hindi raw nila alam kung natakot dahil knows niyang may misis si aktor, o natakot siya dahil sobrang gifted itong si guwapong aktor.

Pero ‘di raw pumatol si bagets na aktres at iniiwasan na itong guwapong aktor.

Hindi raw nagustuhan ni guwapong aktor ang pag-iwas sa kanya kaya, inaway raw niya ito.

Hinanapan daw ng diperensya na kesyo bastos daw si bagets na aktres. Nagpipigil na lang daw si bagets na aktres, at hindi na pumiyok.

Ayaw na lang daw niyang lumaki pa ang isyu.

Alam naman daw ng mga staff doon sa lock-in taping ang drama ni guwapong aktor. Kaya hindi na raw nila pinalaki ang isyung ‘yun, at baka makaabala pa sa kanilang lock-in taping.

Gerald, naipakita ang laman ng puso!

Puring-puri ang mga taga-Mavx Productions kung gaano sila kaseryoso sa paggawa ng pelikula.

Halos lahat na mga pelikulang prinodyus nila ay sinu-shoot nila sa ibang bansa. Kaya kapag pinapanood mo ang mga pelikula nila kagaya ng Through Night and Day na kinunan sa Iceland, A Faraway Land sa Faroe Island, Will You Marry na kuha naman sa Copenhagen, Doll House sa Netherlands, at ang latest nilang Unravel na kinunan naman sa Switzerland, nakaka-relax dahil talagang na-capture ang ganda ng lugar.

Kagaya nitong Unravel na entry nila sa nalalapit na 1st Summer Metro Manila Film Festival, ang bigat ng tema ng kuwento, pero napapagaan dahil sa ganda ng Switzerland.

May chemistry naman pala sina Gerald Anderson at Kylie Padilla, kaya kahit seryoso ang maselan ang kuwento nito, maganda pa ring panoorin.

Sabi ni Mr. Erwin Blanco ng Mavx, talagang ginagastusan daw nilang mag-shoot sa ibang bansa, para iba raw ang napapanood sa pelikula nila.

Hindi naman daw lahat na nanonood ng mga pelikula natin ay nakapunta sa mga ganung bansa, kaya mas mabuting dalhin daw niya ito sa pelikulang ginagawa nila.

Serious game-player sa film production ang Mavx, na nakikita naman dito sa Unravel .

Sinulat pa ni Senedy Que ng GMA 7 na emotional nung nakaraang press preview dahil alay niya ito sa mentor niya sa scriptwriting na si Jake Tordesillas.

Sabi ni Gerald, maski wala siyang mental health issues pero dahil sa kinasanayang paghahanda sa mga naunang pelikula o teleserye, naipakita niya ang laman ng puso ng isang gumagabay sa mga tulad ng character ni Kylie Padilla na gusto nang tapusin ang sariling buhay, may professional help man o wala.

Ang Switzerland bilang main location (dahil andito ang kakaibang Assisted Voluntary Death or AVD program) ay mamahalin pero angkop na choice para maramdaman ng mga nawalan na ng pag-asa na masarap pa ring mabuhay.

May twist sa ending ng pelikulang ito at dapat ay handa ang puso mo, dahil mamahalin mo ang main character sa pelikulang ito na sina Lucy (Kylie) at Noah (Gerald).

Abangan ang mas marami pang mga matitinong pelikulang gagawin ng Mavx kagaya ng Pangarap Kong Oscars nina Paolo Contis at Joross Gamboa, meron pa silang gagawin sa Chile at sa Japan.

Working boys…, nakakahiya ang kinita sa takilya

Nakakalungkot ang box-office result ng pelikulang Working Boys 2 na nag- showing sa mga sinehan nung Miyerkules, March 29.

Nakakahiyang banggitin kung nakamagkano ito, pero talagang nakakadismaya. Kaya hindi maiwasang kabahan ang producers na may entry sa nalalapit na Summer MMFF.

First time ang festival na ito, pero maganda ang playdate nitong Black Saturday na nung wala pa ang pandemic, mga malalakas na Hollywood films ang naka-book dito at talagang dinudumog.

Bukas ang parada ng Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Villa Beatriz sa Commonwealth, Quezon City hanggang sa Quezon Memorial Circle.

Sabi ni Enchong Dee ng pelikulang Here Comes the Groom, naka-beach wear daw sila. Kaya paseksihan ito.

Magpapatalo ba ang ibang entries?

Keri rin magpa-abs ni Gerald Anderson ng Unravel at sexy naman ang leading lady niyang si Kylie Padilla. Kaya mukhang paseksihan talaga ang labanan nito sa parada bukas.

AKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with