^

PSN Showbiz

Marvin, gusto nang mag-asawa!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marvin, gusto nang mag-asawa!

Hindi man aktibo sa show business nitong mga nakaraang taon ay masaya naman umano si Marvin Agustin sa kanyang personal na buhay. Ang mga negosyong restaurant ang pinagkakaabalahan ng aktor. “Sobrang saya, at least it’s something that you can have. Walang nanggugulo at walang nanghihimasok. Masa­yang tahimik na buhay. Actually, not just in relationships. Even sa lahat ng aspects ng buhay masaya ako,” makahulugang pahayag ni Marvin.

Labingwalong taong gulang na ngayon ang kambal na anak ng aktor na sina Sebastian at Santiago. Nakikita na kaya ni Marvin ang sarili na ikakasal sa mga susunod na taon? “Basta mahanap ‘yung mapapangasawa. Parang okay na ako sa dalawang anak. Gusto kong mag-enjoy ng buhay. Kasi I was 26 when I have them. So at least bata pa nga eh. Ngayon, para kaming magkakaibigan ‘pag lumalabas kami, ‘pag nag-uusap kami. Parang mas masarap ‘yung gano’ng moment na may energy ka for your kids. ‘Yung 50 years old na six years from now, iba na ‘yung energy no’n. 44 na ako ngayon, so ini-enjoy ko na itong buhay ko na ‘yung mga bata malalaki na. Hindi na gano’n ka-stressful asikasuhin,” paliwanag niya.

Ngayon ay nasa pangangalaga na si Marvin ng Crown Artist Management na pag-aari nina Maja Salvador at kasintahan ng aktres na si Rambo Nuñez. Gusto umanong gumawa ng aktor ng proyektong tungkol sa mga negosyong pagkain. “Gusto kong gumawa ng mga projects na magha-highlight lalo sa food industry. ‘Yung kwento ng hirap na pinagdadaanan naming lahat. Hindi lang actually kami kundi buong ecosystem ng food industry. Farming, kasi diyan din ako nahilig sa bahay ko. Kung anu-ano ang itinatanim kong kamatis, radish. So do’n ko nare-realize kung gaano kaimportante ang farmers, ang pag-aala­ga, sustainability, pagbibigay-respeto at halaga sa pagkain natin.”

John, gustong balikan ang nakaraan nila ni Regine

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong magkaroon ng concert ni John Arcilla bago magtapos ang taon. Nakilalang maga­ling na aktor sa entablado, pelikula at telebisyon kaya naghahangad namang maging concert artist si John. “I wish na matuloy. Excited naman ako, sige, gawin natin. Actually, sa mga tour ko kasi sa ibang bansa, sanay naman kasi ako sa maraming tao na magpe-perform. Bago kasi ako nag-mainstream sa TV, film, sanay ako talagang mag-show. Kasi ‘pag ini-invite po ako sa States or sa Europe ng mga Filipino communities, parang concert type talaga ‘yung performance. Although ang mga songs ko, mga Broadway. So hindi ‘yung mga pop songs, kung meron man akong mga pop songs, ‘yung mga Basil Valdez,” pagbabahagi ni John.

Pinapangarap ng premyadong aktor na makasama sa pinaplanong concert si Regine Velasquez. Nagkatambal na noon sa entablado si John at ang Asia’s Songbird. “Kasi siya ay naging leading lady ko sa Tanghalang Pilipino as Maria Clara. I played Crisostomo Ibarra. So kung pauunlakan ako ni Regine, magandang i-reenact namin ‘yung aming mga past shows,” nakangiting pahayag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JOHN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with