Mel Tiangco at Atom Araullo, kinilala ang husay
GMA News pillar Mel Tiangco was recently named as Gawad Bagani sa Larangan ng Telebisyon sa ginanap na Seventh Gawad Bagani Sa Komunikasyon: Para sa Makabagong Mandirigma sa Radyo at Telebisyon.
Ginanap ang awarding ceremony noong Marso 13 sa UE Caloocan Campus.
Nanalo siya sa Television Program Category para sa primetime newscast ng GMA Network na 24 Oras. Dalawang beses na siyang tumanggap ng ganitong parangal – 2016 at 2018.
Samantala, ang award-winning na broadcast journalist na si Atom Araullo naman ang kauna-unahang nakatanggap ng Outstanding Media Personality Award sa 2023 Lasallian Scholarum Awards ng De La Salle University noong Marso 22.
Si Atom ay pinili ng Lasallian student journalists kasama ang Student Media Office ng unibersidad.
Together with Maki Pulido, Atom co-anchors GTV’s flagship newscast State of the Nation. He headlines the bi-monthly The Atom Araullo Specials and is one of the hosts of the long-running documentary show I-Witness.
“Maraming mga pagsubok mula sa local issues natin hanggang sa global issues like climate change. Journalists should be at the forefront and we should also inspire other people, users of media, na gamitin ang kanilang galing para labanan ang ganitong klase ng problema,” said Atom.
- Latest