^

PSN Showbiz

Iza, nanganak na!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza, nanganak na!
Iza
STAR/ File

Iniluwal na pala ni Iza Calzado ang first baby nila ng asawang si Ben Wintle.

Hindi lang ako sure kung nung Miyerkules o Huwebes dahil wala pang in-announce ang kampo ng aktres.

Mas gusto raw nilang galing kay Iza ang official announcement at ilalabas niya ito ngayong araw ng Linggo sa kanyang social media accounts.

Congratulations sa mag-asawang Ben at Iza Calzado-Wintle sa first baby nilang girl.

Abangan na lang natin ang official announcement ni Iza para sa buong detalye ng kanyang panganganak.

Kasama ni Andrei Sison sa aksidente, nasa hospital pa

Nakakagulat at nakakalungkot ang inilabas na statement ng Sparkle GMA Artist Center tungkol sa maagang pagpanaw ng bagong talent nilang si Andrei Sison.

Si Andrei ay anak ni Marco Salvador na anak ni Marco Sison. At pamangking buo ito ni Karla Estrada at bahagi ng Salvador clan.

Seventeen pa lamang si Andrei at isa pala siya sa ilu-launch na member ng Sparkle Teens.

Nai-tape na sa All-Out Sundays ang segment ng launching nila, at kasali pa roon ang namayapang young actor.

Pinag-uusapan pa raw nila ngayon kung ano ang gagawin sa segment na ‘yun.

Bago nangyari ‘yung car accident na ikinasawi ni Andrei, nag-taping pa pala sila sa TikToClock at lumabas sila pagkatapos ng taping.

Kasama rin daw doon sa sakuna ang isa pang Sparkle teen na nasa hospital pa ngayon.

Ang huling post ng kanyang manager na si Manny Valera nasa critical condition pa raw ang kasama ni Andrei na sana malagpasan niya ito.

Next week ay nakatakda pa sana silang maglaro sa Family Feud, na bahagi pa rin ng kanilang launching.

Marvin, hinayaang mag-explore ang kambal na anak

Ang saya pa rin talagang katsikahan ni Marvin Agustin nung nakapanayam namin sa 2nd anniversary ng Crown Artist Management na ginanap sa restaurant n’yang Cochi Bistro sa BGC, Taguig nung nakaraang Huwebes.

Si Marvin ang bagong talent ngayon ng Crown Artist Management ng engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Iniiwasan lang ni Marvin na pag-usapan ang lovelife dahil mas gusto niyang tahimik na lang.

Bukod sa mga naipundar niyang restaurant, very proud siya sa kanyang kambal na sina Santiago at Sebastian na 18 years old na pala.

Hindi lang daw hilig ng kambal niya ang showbiz o pag-aartista, pero mahilig daw sila sa music.

“May banda silang magkakapatid together with their friends. Ang isa, nagda-drums. Tapos ‘yung isa naman, he writes songs,” pakli ni Marvin.

Pero ang isang anak daw niyang si Santiago ay gustong mag-aral sa Amerika ng Business Management.

Nakuha rin kasi nila ang pagiging negosyante ng aktor. “’Yung isa, gustong mag-Political Science pero ‘yung puso nasa music. So, hinahayaan ko silang mamili on their own.

“I guess ‘yung generation natin ngayon na hinahayaan natin silang i-explore at i-discover kung saan talaga nila gusto,” sabi pa ni Marvin.

‘Yung anak nga raw niyang si  Sebastian ay nagulat siyang magaling magsulat ng kanta.

Nakaanim na songs na raw ito at hindi dahil siya ang tatay, nakitaan daw niyang may future bilang songwriter itong si Sebastian.

“Isinama ko sa bahay ng kaibigan ko. Gita-gitara. Tapos sabi ko, ‘o nasaan na ‘yung song na sinulat mo? Tapos kinanta…parang ibang tao!” pagmamalaki ni Marvin.

Ngayong nasa CAM na si Marvin, gusto lang daw niyang ipagpatuloy ang kanyang campaign para sa ating food industry, bilang siya naman ang ambassador on Agri and Aqua ng DOST o Department of Science and Technology. “Gusto kong gumawa ng mga projects na magha-highlight lalo sa food industry natin,” pahayag ni Marvin Agustin.

BEN WINTLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with