Coco, pinalaya na si Charo
![Coco, pinalaya na si Charo](https://media.philstar.com/photos/2023/03/22/3_2023-03-22_23-49-25.jpg)
Hindi na lumaki ang intrigang naaapektuhan ang ilang mga vendor ng taping ng FPJ’s Batang Quiapo.
Hindi na lumaki lalo na nga’t wala namang nakitang nagrereklamong vendor.
Malamang nga natutuwa pa ang mga ito dahil nagkakaroon sila ng pag-post sa social media.
Anyway, nakalaya na sa wakas si Tindeng (Charo Santos) mula sa pagkakabilanggo pagkatapos siyang piyansahan ng apo niyang si Tanggol (Coco Martin) sa serye na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Dahil kulang-kulang ang kanyang pera, naging desperado si Tanggol na makaipon ng pera na pampiyansa sa kanyang lola kaya napilitan siyang nakawan si Roda (Joel Lamangan), ang mapang-abusong landlord na kaaway ni Tindeng kaya ito nakulong.
Nangako na sana si Tanggol sa kanyang sarili na titigilan na niya ang pagnanakaw pero mukhang mahihirapan siyang tuparin ito. Miserableng-miserable na kasi siyang makaipon para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ngunit mas lalo lang lumalaki ang hidwaan niya sa mga magulang niyang sina Marites (Cherry Pie Picache) at Rigor (John Estrada).
In all fairness, gabi-gabi itong tinutukan ng mga manonood pagkatapos itong makakuha ng 289,337 live concurrent views sa Marso 21 na episode. Nakapagtala na rin ang serye ng higit 44 milyong total online views para sa pilot week noong Pebrero.
- Latest