^

PSN Showbiz

RK, nakaramdam ng takot 

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
RK, nakaramdam ng takot 
RK
STAR/ File

Simula April 8 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na pinagbibidahan ni RK Bagatsing. Aminado ang aktor na nagdalawang-isip pa siya noong una kung tatanggapin ang naturang proyekto. “Siyempre nagdalawang-isip ako kasi ang unang tinanong ko, sabi ko hindi naman talaga ako known to be a singer. Tapos parang mag-i-start na yata ako ng show no’n, may gagawin akong show at saka parang hindi rin aabot. Ang sabi ng Star Magic, kausap si Direk Joven (Tan), ang kailangan mismo ay ‘yung acting part. Kasi may na-record na silang kanta. Pero even then, siyempre no’ng na-receive kong Rey Valera, kasi gustung-gusto ng nanay ko si Sir Rey Valera. And of course familiar tayo sa mga kanta niya at naririnig pa rin natin siya. Sabi ko, ‘Sige, gawin ko.’ Ang pagkakaintindi ko it’s musical and no’ng time na ‘yon marami akong ginagawa na hindi ko pa nagawa before. No’ng pagkatapos ng pandemic, sabi ko hindi ako magiging safe sa mga roles na kukunin ko. Gusto kong ma-challenge kaya nag-yes ako do’n sa Rey Valera,” kwento ni RK.

Bilang paghahanda ay inaral ng aktor ang mga kanta ni Rey Valera. Maging ang istilo ng pagsasalita ng OPM icon ay inaral na mabuti ni RK. “Unang-una dinownload ko ‘yung playlist niya. So kahit saan ako magpuntang taping pini-play ko lahat ng mga kanta niya. Tapos sa YouTube marami naman siyang mga interviews, mga live performances, mga concerts. ‘Yon na ‘yung naging reference ko,” pagbabahagi ng binata.

Isang malaking pressure para kay RK na gampanan niya ang isa sa mga pinakakilalang singer at composer sa bansa. “Oo, malaking pressure. Pero sabi ko nga kasi, few years back ‘di ba nag-pandemic tayo. So hindi natin alam kung babalik pa tayo sa dati. So no’ng bumalik, gusto kong gumawa ng mga project na natatakot ako. ‘Yung out of the box, out of my comfort zone. So no’ng sinabi nilang Rey Valera, sabi ko nakakatakot naman ‘yan. ‘Sige, gawin natin!’ Natakot ako at pagkatapos ko siyang mapanood, masayang-masaya ako. ‘Yung nanay ko umiiyak sa tabi ko, it just means something,” pagtatapos ng aktor.

Joseph, na-stress sa paghuhubad

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mga larawan ni Joseph Marco na nakasuot ng briefs. Ang mga naturang sexy photos ay para sa underwear endorsement ng aktor. Nagpaalam pa umano ang binata sa mga magulang para sa kanyang paghuhubad kahit 34 na taong gulang na. “I am really glad na pinayagan ako ng parents ko to do an underwear endorsement. Kasi first time ko ‘yon, mabuti nga pumayag sila. I was so stressed before I posted that. I was very anxious kasi I was in New Zealand at that time. I was just happy na okay naman ‘yung naging result,” paglalahad ni Joseph.

Kahit naghubad na para sa endorsement ay hindi naman daw nangangahulugan na magtutuluy-tuloy na sa pagpapaseksi ang aktor. “It doesn’t really mean just because I did an underwear shoot, I’m gonna do daring roles. But as long as I like the role, I like the project, then kung ano ‘yung nire-require sa akin, I am willing to do it,” giit ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSEPH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with