Sylvia, may banta kay Zanjoe ‘pag sinaktan si Ria
Masayang-masaya si Ria Atayde sa kanilang relasyon ni Zanjoe Marudo. Ilang buwan pa lamang na magkasintahan ang dalawa sa ngayon. “I am very happy right now. I am in a relationship where I feel valued and where there’s so much mutual respect, mutual admiration. Very much like part of the family I’d say,” nakangiting pahayag ni Ria.
Ayon sa aktres ay hindi naman kailangan pang ibahagi sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon ni Zanjoe. “Because it’s already so public. And just to protect it from people’s thoughts and intention. Basta it’s nice to be happy,” giit ng dalaga.
Matatandaang huling nagkatrabaho sina Ria at Zanjoe sa teleseryeng My Dear Heart noong 2017. Kahit matagal nang magkaibigan ay noong isang taon lamang daw naging opisyal na magkasintahan ang dalawa. “We’ve been friends kasi for so long. Last year, 2022 for sure (naging kami),” pagtatapos ng aktres.
Samantala, boto naman kay Zanjoe ang mga magulang ni Ria na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.
Wala na raw ibang mahihiling pa ang beteranang aktres kundi mapabuti ang lagay kung sakali mang mag-asawa na ang anak. “Sabi nga ng daddy niya, kaya siyang buhayin, kaya siyang pakainin, maaalagaan siya. Isa lang ang takot ko talaga, never kong naranasan sa daddy niya. Siyempre ‘yung anak ko babae, ayoko ‘yung sinasaktan, binugbog, dahil ako mismo bubugbog do’n sa lalaki. ‘Yon lang ‘yon, wish ng nanay ‘yon. Kasi kung sasaktan ‘yung anak ko, hihilingin ko na lang do’n sa lalaki na ibalik sa amin ‘yung anak namin,” nakangiting pahayag ni Sylvia.
Bela, ipinagbawal ang pagsigaw sa set ‘pag siya ang direktor
Bukod sa pagiging isang aktres ay aktibo rin si Bela Padilla bilang isang manunulat at direktor. Ayon sa dalaga ay talagang mas tutok siya sa proyekto lalo na kapag siya ang direktor nito. “I’m very collaborative, Tito Boy. Wala pa akong dinirek na hindi ko sinulat since script ko ‘yung ginagamit ko. Sa kwento ng mga nakatrabaho ko, ‘yung script ko, napakadetalyado. May isang rule ako sa set, bawal sumigaw, kahit sino. So meron akong 5-minute walk. Kapag masama na ‘yung pakiramdam mo, kapag mainit na ‘yung ulo mo, lakad ka muna ng 5 minutes. Noong nagsisimula pa lamang ako bilang artista, may mga nasisigawan, ramdam mong galit na galit. So ikaw, hindi ka makaarte. Or ‘yung taong napagalitan sa set, hindi na makatrabaho nang maayos for the rest of the day kasi napapahiya. Ayaw na ayaw kong may nasisigawan sa set ko,” pagbabahagi ni Bela.
Magaling daw na magpaiyak si Bela sa mga artistang nakakatrabaho niya sa set. “Magaling ako magpaiyak ng actor that I’m directing. I prefer talking to them nang kalmado. Kasi minsan most of the people I know kapag tinanong mo, ‘Kamusta ka?’ nang sinsero, doon naiiyak. So I like talking, kakausapin ko, kakamustahin ko,” paglalahad ng dalaga. Reports from JCC
- Latest