^

PSN Showbiz

Dokyu ni John Consulta tungkol kay luffy, umere na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dokyu ni John Consulta tungkol kay luffy, umere na!
John Consulta
STAR/File

Napapanood ang dokumentaryo ni John Consulta bilang bagong host ng iconic documentary program na i-Witness kahapon kung saan inilahad ni John ang isa sa mga pinakamalaking crime story na sumasaklaw sa Pilipinas at Japan.

Taong 2019 nang unang matunugan ng National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ang ilegal na operasyon ng isang grupo ng mga Hapon. Tinatayang bilyong piso na ang nakulimbat ng grupo mula sa kanilang telecom fraud operations sa Makati. Ang hinihinalang leader ng Japanese syndicate: si Yuki Watanabe na nagbibigay umano ng utos sa Japan gamit ang alyas na “Luffy,” ang pirate king sa isang Japanese anime.

Dalawang taon ding tinugis ng mga awtoridad ang grupo ni Watanabe bago isa-isang nahuli ang mga lider ng grupo mula Pasay hanggang Batangas.

Pero hindi pa natapos ang mga iligal na operasyon nina Watanabe. Mula sa kanilang detention center, nakapagbibigay sila ng utos para magsagawa ng malawakang nakawan sa iba’t ibang bahagi ng Tokyo. Kaya naman lumapit ang embahada ng Japan sa gobyerno ng Pilipinas para agarang maipa-deport ang grupo ni Watanabe.

Apat na taon mula nang unang mabisto ang kanilang operasyon mula sa Pilipinas, eksklusibong makakausap ni John Consulta ang pinaniniwalaang si alyas “Luffy.”

I-WITNESS

JOHN CONSULTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with