Paco, naalala nang maging kargador at tagalinis ng banyo sa Amerika
Sikat na sikat si Paco Arespacochaga nang lisanin ang Pilipinas upang manirahan sa Amerika mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
Akala raw ng dating aktor at drummer ng bandang Introvoyz ay magiging maayos ang pamumuhay nang dumating sa US. “Pupunta na ako ng States para mag-work sa international record label. Pagdating ko doon, nag-sign ako ng form, ipinatawag ako ng HR. Sabi nila, ‘We need your US social security number.’ Sabi ko, ‘I only have my Filipino social security SSS.’ ‘Are you citizen or green card holder?’ Sabi ko, ‘No, I am a tourist.’ Nakita ko na ‘yung mukha nag-iba. In other words, hindi ako natanggap, hindi ako eligible to work. Pero na-announce ko na sa Pilipinas na successful ako, ayaw ko bumalik. So diniretso ko na, wala sa intensyon ko na iwanan ang career para gawin ‘yung ginawa ko sa Amerika,” kwento ni Paco.
Hindi naging madali ang buhay ng drummer sa Estados Unidos noong nagsisimula pa lamang.
Hinding-hindi raw makalilimutan ni Paco ang kanyang mga karanasan doon. “Naging kargador ako roon kasi hindi ako natanggap sa label. Ang ginawa ko ayaw ko umuwi, so nagtrabaho ako as kargador for a beauty warehouse. Tapos noon nagtrabaho ako sa electronic store, naging kahero ako roon. Sa beauty warehouse, hindi ko makakalimutan ‘yung jetlag, umiiyak ako dahil sabi ng manager ko, ‘Dati napapanood kita sa TV, ngayon tauhan kita.’ So kailangan kong kainin ‘yung pride na ‘yon, nilamon ko ‘yung pride na ‘yon talaga. Doon sa electronic store naman, six hours kahero, one hour taga-collect ka ng push carts. Isang oras tagalinis ka ng bathroom at tagabalik ng product. Habang naglilinis ako ng bathroom, may mga Pinoy, nakita ‘yung nametag ko. Sabi, ‘Oh, si Paco Arespacochaga pala ito.’ Sabay umihi sa sahig. ‘Oh, P’re linisin mo ito, kung hindi ire-report kita.’ Totoo ‘yon, I mean don’t get me wrong, it’s not all Pinoys but there are rotten apples everywhere and to think na while that was happening I was newly remarried. So mayroon akong domestic challenges. Tapos mayroon akong personal career challenges, so puro challenges lahat ‘yon,” pagdedetalye niya.
Eruption, sariwa pa sa memorya ang nangyari sa Showtime
Kahit matagal nang wala sa It’s Showtime ay malaki pa rin ang pasasalamat ni Eric Tai sa programa. Mas nakilala siya bilang si Eruption dahil sa naturang noontime show ng ABS-CBN.
Sariwa pa sa alaala ni Eric ‘yung panahong kinausap siya ng producer ng It’s Showtime tungkol sa mangyayari sa programa. “Umakyat kami sa taas and I was like, ‘Uy! Ba’t aakyat sa taas?’ I had a feeling that something’s going on. Sabi niya, ‘Pasensya ka na Eric, nagkaroon kami ng reformat. Hindi na kailangan ‘yung services mo dito,’” kwento ni Eric sa YouTube channel ni Julius Babao.
Kahit nawala sa programa ay hindi naman daw pinanghinaan ng loob ang dating co-host ng It’s Showtime. “Father, whatever you want me to do, I’ll do. Gagawin ko talaga. Help me find myself. When I was driving home pa lang, I had this sense of everything’s gonna be okay. I stopped the car, medyo malayo pa sa bahay, asawa ko nandito. I was thinking what I’m gonna tell my wife. ‘Coz I know she might break down or anything. The sense of happiness, everything’s gonna be good. I know work’s gonna pick up, and it did. I got jobs, bumalik ako sa teleserye, nag-Amazing Race ako. I know that I won’t be able to do these things kung nasa Showtime pa ako. Like God told me, ‘You need to fly on your own bro. Spread your wings, Eruption. Tingnan mo kung ano ang pwede mong gawin. Nandito lang ako sa likod mo,’” masayang paglalahad niya.
Napanood sa It’s Showtime si Eruption mula 2011 hanggang 2015. Sa loob ng limang taon ay naging malapit sa mga kasamahan sa programa.
Sikat na sikat ngayon si Eruption sa social media dahil sa mga ginagawang pagsasayaw. “Thank you kasi kilala na ako dahil sa inyo. And I’ll always hold that to my heart na, Showtime, maraming salamat. Direk Bobet (Vidanes), thank you so much. And Vice (Ganda), everyone there, thank you because I’m known as Eruption and I have a name now. Dahil sa inyo, I was able to get endorsements and my social media following jumped,” pagtatapos ni Eruption. Reports from JCC
- Latest