^

PSN Showbiz

Aga nag-trending, gaganap na Pangulong Marcos sa aloha...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Aga nag-trending, gaganap na Pangulong Marcos sa aloha...
Aga Muhlach
STAR/File

Nag-trending si Aga Muhlach pagkatapos ng red carpet premiere night ng Martyr or Murderer last Monday night.

Pasilip pa lang ang character ni Aga, as President Bongbong Marcos, pero trending agad.

Sa third installment pa ng ‘Malacañang’ movie series kasama si Aga, na may pamagat na Mabuhay, Aloha, Mabuhay.

Sa Hawaii mag so-shooting ang MAM anytime now.

Kasama rin sa pinakitang mapapanood sa Mabuhay, Aloha, Mabuhay, si Eula Valdes na gaganap na Sen. Imee Marcos.

Samantala, tagumpay ang naturang red carpet premiere night sa SM The Block Cinemas.

Tatlong sinehan ang pinagpalabasan nito.

Bukod sa bida ng pelikula na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, among others ay naging emosyonal si Sen. Imee Marcos habang pinapanood ito.

“Lahat ng pangyayari, ‘yung dinanas namin na kung saan-saan ako napadpad, ang tagal ko nga sa Morocco,” pahayag niya dahil naramdaman niya raw ulit.

Nagkaroon ng death scene ang dating Pangulong Ferdinand Marcos na ginampanan ni Cesar at ang breakdown scene ni Cristine as Imee nang pumanaw ang ama noong siya ay nasa Morocco sa Martyr or Murderer pero ang dami pang pangyayari na parang doon lang mapapanood sa pelikula.

 Anyway, showing na starting today, March 1, ang Martyr or Murderer ng Viva Films sa 250 cinemas nationwide.

vuukle comment

AGA MUHLACH

MARTYR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with