Bianca, hinog na sa pagiging host
Sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo na ang mga pangunahing host ng The Voice Kids Philippines. Napapanood na tuwing Sabado at Linggo ang bagong programa ng ABS-CBN.
Hindi raw inakala ni Bianca na mapupunta sa kanya ang pinakabagong season ng The Voice Kids. “It’s funny because parang may reigniting of the fire, na parang, ‘Uy! There’s so much more I can do pa pala.’ That’s a great experience at 19 years in my career,” bungad ni Bianca.
Magdadalawang dekada nang aktibo bilang TV host si Bianca. Ibang-iba raw ang matutunghayan ng mga manonood kay Bianca sa naturang show. “To be able to host something like this was so different from PBB. PBB is very formal. So parang all of these years people think I’m super, super formal when I host, so serious because of the format of PBB,” paglalahad niya.
Sa ngayon ay dalawa na ang anak nina Bianca at JC Intal. Bilang isa nang ganap na ina ay nakare-relate na rin si Bianca sa mga batang contestants ng show. “I understand how kids work, ‘yung moods nila, paano mo sila papasayahin, paano mo sila kikilitiin. Kumbaga I maybe older now compared to before when I started hosting but now is really I feel kumbaga hinog na. This is the perfect time for me to join the show,” paliwanag ng TV host.
Sharon, hindi alam kung bakit nagkaganun si KC
Hinahanap-hanap na umano ni Sharon Cuneta ang magandang samahan nila ng panganay na anak na si KC Concepcion.
Ayon sa Megastar ay talagang hindi mapapantayan ang mga panahong magkasama sila noong bata pa si KC. “We’re both bullheaded, stubborn and strong-willed pero opposites ang ugali namin. So hindi maiwasan ‘yung nagbabanggaan. Namimiss ko ‘yung relationship namin no’ng bata pa siya,” pagbabahagi ni Sharon.
Aminado ang aktres na katulad ng ibang mag-ina ay mayroon din silang mga hindi pinagkakasunduan ni KC. “Okay kami, minsan hindi, that’s the truth. Actually, parang I don’t know anything about my eldest daughter’s life. Very little lang ang alam ko, since bata siya, hindi naman siya nag-o-open up sa akin unlike her siblings. That’s my biggest pain. Ano man ang success mo sa buhay pero may isa kang pinakamamahal na ba’t ba hindi maayos-ayos na permanently, parang hindi ka kumpleto. Hindi ka pa rin successful. I love my daughter. Never kong sisiraan si KC. Hindi masamang sabihin na hindi kayo magkasundo. It’s just a fact. Walang may kasalanan no’n. Hindi niya kasalanan ‘yon,” makahulugang paliwanag ng Megastar.
Kahit wala na sa poder ni Sharon si KC ay wala na raw ibang hinihiling pa ang Megastar kundi ang mapabuti ang anak. “Hindi ko alam ba’t nagkagano’n, eh sa akin naman siya lumaki. ‘Yung maalala niya sana lahat ng sacrifices ko. Ang magulang naman ang gusto lang appreciation, respect, a little acknowledgement. So gusto kong maging successful pa sa akin si KC at lahat ng anak ko. I’m grateful for KC. I’m grateful that she finished school and I’m praying that kung gusto niya mag-asawa, sana she ends up with somebody na talagang mahal na mahal niya at mahal na mahal siya,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC
- Latest