Iron… nagkaroon ng thanksgiving…
Ang big bosses ng ABS-CBN sa The Iron Heart thanksgiving dinner noong Sunday night sa Dean & Deluca sa Scout Rallos, Quezon City.
Sobrang happy ni Richard Gutierrez na kumpleto ang big bosses nila para i-celebrate ang mataas na ratings (nakakuha sila ng TV rating na 8% noong Wednesday) at magandang feedback sa kanilang Kapamilya action-drama series.
Gustung-gusto ng viewers (sa lahat ng platforms ng ABS-CBN) ang magandang takbo ng istorya ng The Iron Heart, pati na rin ang matitindi nilang action scenes.
Palagi ngang trending kapag may bakbakan scene sina Richard at Jake Cuenca. Hindi nga maka-get-over ang karamihan na parehong topless ang dalawa nang magbakbakan na naman sila kamakailan. Sobrang daming nag-post sa social media ng eksena nilang ‘yon.
‘Kaloka nga dahil ang iba ay nagsabi pang ang sarap kung may “bromance” raw ang dalawa. Hehehe!
Bukod nga pala kina Mr. Mark Lopez, Mr. Carlo Katigbak, at Ms. Cory Vidanes, nasa thanksgiving dinner din ang Star Creatives big boss na si Ms. Des de Guzman.
Siyempre, nag-join din sa kanila si Annabelle Rama, na tumutulong din sa mga taga-The Iron Heart sa pagkontak sa mga may-ari ng ibang mga location nila sa Cebu.
Yes, pinag-uusapan nga rin pala sa social media ang magagandang location sa Queen City of the South ng The Iron Heart.
So bongga!
Raymond, maraming raket sa Pinas!
February 6 pa dumating sa ‘Pinas si Raymond Gutierrez, pero alam n’yo ba na noong Sunday lang sila nagkita ng twin-brother niyang si Richard at sa isang kiddie party pa ‘yon sa BGC (Bonifacio Global City).
Dapat ay magkikita ang twins bago umalis si Richard at ang kanyang pamilya pa-Niseko, Japan, pero hindi natuloy ‘yon.
Anyway, mapapadalas naman ang pagkikita nina Richard at Mond dahil magtatagal sa bansa ang huli.
Noong una, dapat aalis na si Mond ng first week of March, pero nang makasama namin siya last Saturday ay naikuwentong baka abutin siya rito ng two months.
Plano nga niya, two months siya rito at two months sa Los Angeles, California dahil marami rin siyang work dito na kailangang tutukan.
Si Mond ang creative director ng beauty clinic ni Dra. Vicki Belo at marami ring luxury brand na hinahawakan niya ang mga event.
Wow! no goodbyes…
Heto na, Ateng Salve, alam mo ba na sobrang sad ko habang nagde-deadline dahil last column ko na ito for PSN dahil may tatahakin akong bagong journey, na alam ko naman na suportado mo rin.
Pero siyempre, gusto kong pasalamatan kayong dalawa ni Sir Miguel Belmonte at ang buong PSN team (pati PangMasa rin) dahil napakatagal ko ring naging bahagi ng tabloid na ito at naging pamilya na kayo sa akin.
Siyempre, isa ka pa rin sa BFF ko, Ateng Salve, kahit hindi na nga tayo magkasama rito sa PSN. ‘Yung sobrang kabaitan din ni Sir Miguel sa tuwing nakakasama natin siya ay forever ko rin na ite-treasure.
Sa ating readers, maraming-maraming salamat din po sa pagsubaybay ninyo sa ‘Yun Na! column namin.
Pero kahit last column ko na ito sa PSN, siyempre, ayokong magsabi ng goodbye. May kasabihan nga na, No goodbyes, just see you around!
Thank you for everything, Ateng Salve.
‘Yun na! (Ahh all the best ateng. Just here for you. Salamat din sa lahat. - salve)
- Latest