Anak ni April Boy, may handog sa fans ng ama!
Nag-collab ang anak at dalawang kapatid ng namayapang si April Boy Regino para sa kantang Idolo.
Ito ay ang only son ni April Boy na si JC Regino, at mga kapatid ng nasabing singer na sina Vingo and Jimmy in releasing the latest single under GMA Music. Sila noon ang bumubuo ng April Boys.
JC wrote the song six months after April Boy passed away, but he wasn’t able to finish it.
Pero pagkatapos ng kanyang birthday last year, he was missing his dad so much, and he remembered the song.
At doon nabuo ang lahat, in September 2022.
“Sobrang saya ko po kasi hindi ko po inexpect na tatanggapin ng GMA ‘yung awit namin. Talagang worth it ‘yung pagod, hirap, at oras sa paggawa ng awit na ito. Ang balak lang po namin nung una is ilabas lang sa Youtube para marinig po ng mga tao. Kaya naman malaki po ‘yung pasasalamat namin kay God dahil sa pamamagitan po ng GMA, mas maririnig po ng maraming tao at mas maaabot po ng mga tagahanga ni Dad at ng April Boys ‘yung mensahe ng kanta,” pahayag ni JC.
Sinulat daw niya ang kanta para pasalamatan ang fans ng ama sa neverending love and support they’ve given and shown to the April Boys. He feels that the fans/supporters deserve to have a song dedicated to them.
“Ang kantang ito ay para po sa mga tagahanga nina Dad at ng April Boys. Isa itong paraan upang magpasalamat sa pagsisilbi nilang inspirasyon. Kung wala po sila, wala po ‘yung April Boys at si April Boy Regino. Tapos kaya ‘Idolo’ ang title nito dahil ang mga tagahanga ay may iniidolo. Kaya salamat po sa kanila kasi tinangkilik nila ‘yung mga awitin. Para sa’min, ‘yung mga tagahanga po talaga ang tunay na idolo,” he added.
In the end, JC expressed his plans for his music career, “Ipagpapatuloy ko lang po ‘yung pagsusulat ko ng mga kanta para makapag-contribute rin po ako sa OPM. Syempre po pangarap din namin ni Daddy na makabalik po ako sa music. Marami na po akong naisulat na awitin so sana biyayaan ako ni God at ng GMA ng marami pa pong pagkakataon na mailabas ang mga ito.”
Available na ang Idolo, sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.
Phenomenal ang pagsikat noon ng kanyang ama at kabilang sa kanyang mga sumikat na kanta ay ang ‘Di Ko Kayang Tanggapin. (KV)
- Latest