^

PSN Showbiz

Kongreso at Senado, naalarma na sa mga bayolenteng eksena sa tv at pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kongreso at Senado, naalarma na sa mga bayolenteng eksena sa tv at pelikula
Stock image shows a television.
Unsplash / Glenn Carstens-Peters

Tinalakay sa House Committee on Welfare of Children ang pagpapatupad ng Philippine Mental Health Law at nakiusap doon si Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo sa media at entertainment industry na bawasan sana ang pagpapakita ng karahasan sa mga palabas at programa.

Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng suicide sa mga kabataan.

Ayon kay Alejo, masyado na raw explicit ang pagpapalabas ng mga bayolenteng eksena sa telebisyon at cyperspace na parang ginagawang normal na raw ang karahasan.

Ang sabi pa ni Alejo, hindi naman daw puwedeng idahilan na para ito sa ‘art,’ sa sining o naging malaya ang artists sa pag-express ng kung ano ang gusto nilang ipalabas. Lumalabas na raw kasing hinihimok na raw nito o ini-incite ang pagiging bayolente sa mga kabataan.

Kapag madalas daw na nakikita ito, baka isipin daw nilang okay lang ito at puwede nilang gayahin.

Agree naman ako diyan, dahil iba rito sa atin at hindi dapat ikumpara sa ibang bansa.

Madali pang buksan dito sa social media o digital ang ganitong panoorin kaya sobrang accessible sa mga bata.

Kahapon naman ay nagkaroon ng hearing sa Senado ang MTRCB para pag-usapan ang pagsaklaw ng ahensyang ito sa mga digital content, pati ang streaming apps.

Si Sen. Robinhood Padilla na Chairman sa Committee on Public Information and Mass Media ang nag-preside ng hearing na dinaluhan ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, mga film producers at director.

May panukala si Sen. Francis Tolentino na dapat na saklaw ng MTRCB ang mga ipinapalabas na content sa YouTube, streaming apps at iba pang platforms.

Mahabang usapin ‘yan at tingnan natin kung magkakaroon ng maayos na pag-uusap at kasunduan sa taga-MTRCB at sa producers ng streaming apps at iba pang sites, at kung madagdagan pa ba ng kapangyarihan ang MTRCB na ma-control ang mga ipinapalabas pati sa online.

Rabiya, tinawag na sinungaling! 

Nag-react ang kapatid na babae ng dating boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.

Gamit ang pangalang Nhel Skie sa Facebook, kinontra nito ang mga pahayag ng dating Miss Universe-Philippines.

Sinabi kasi ni Rabiya na hindi pa siya handa nang mag-propose sa kanya si Neil. Nilinaw niyang gusto muna niyang i-proritize ang kanyang umuusbong na career bago ang personal na pangangailangan. Pero natuloy na nga ito sa hiwalayan.

Lumalabas na tinanggihan nito ang proposal ng dating boyfriend.

Tahimik lang kasi si Neil, at ang kapatid niyang babae ang nagsalita para ipagtanggol ito.

Sabi nitong si Nhel Skie sa kanyang Facebook account, “Nako! Ate. There’s always an option. To answer a question truthfully or to spill the tea with a fib.

“In addition. I’d like you to pay attention to this. You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internatio­nally. Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that.

“You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang mga scripted na sagot mo.”

Ang daming nag-react sa post na ‘yun ng kapatid ni Neil. Ipinorward pa ito sa Instagram account ni Rabiya, kaya lalong uminit ang balitaktakan.

May ilang netizens na inaakusahang sinungaling si Rabiya. May nagsasabing ambisyosa, manggagamit at napaka-showbiz na raw nito.

Tahimik lang si Rabiya at hindi na niya ito pinatulan sa ngayon.

Meron namang nagtanggol sa beauty queen/actress.

Nilinaw na wala raw siyang sinabing tinanggihan niya ang proposal ni Neil.

Handa na raw si Neil na mag-settle down, kaya ito nag-propose. Pero si Rabiya nung panahong ‘yun ay hindi pa, dahil bilang breadwinner sa pamilya, marami pa siyang gustong gawin na tingin niya hindi na niya ito magagawa kung settled na siya kay Neil.

Ang sabi nga ni Rabiya sa kanyang sagot kay Kuya Boy Abunda:

“I wasn’t ready. I have a lot of dreams for my family. And during that time, he was ready to settle na because, feeling niya, okay na siya sa buhay. Pero ako, I wanna aspire to be more. “So, dun kami nagkaroon ng conflict. Feeling ko din, hindi ko na maibigay ‘yung hundred percent sa relationship kasi maraming nangyayari. “And ‘yung engagement na ‘yon, parang for me, it was a big step.”

Pero sa ngayon na si Jeric Gonzales na ang kanyang boyfriend, sinabi na ni Rabiya na handa na siyang mag-settle down dahil naibigay na raw niya ang kailangan ng kanyang ina, at kahit paano ay nakapagpundar na siya.

Hindi lang natanong ngayon kay Jeric kung handa na ba siyang mag-settle down kapiling si Rabiya.

CHILDREN

LILIAN DORIS ALEJO

MTRCB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with