Cherry Pie, lalabanan ang fake news!
Simula March 1 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Oras de Peligro na pinagbibidahan nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon. Isang malaking karangalan para kay Cherry Pie na mapabilang sa naturang proyektong ginawa ni Joel Lamangan. “I think the beauty of the film is actual, factual footages that happened during 1986 is going to be shown. That’s one of the beauties of the film. Bukod doon sa sinasabi ni direk na buhay namin, buhay ng pamilya ng character ko. Ngayon paano makakapagsinungaling ‘yon? Ang importante na mapanood lalung-lalo na ng mga kabataan na hindi naranasan ‘yung EDSA revolution,” paglalahad ni Cherry Pie.
Umaasa ang beteranang aktres na mas marami ang makakapanood ng kanilang pelikula. Mahalaga umanong malaman ng bagong henerasyon kung ano ang tunay na nangyari noon na bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas. “This movie is not against anybody. This movie is just telling the truth. It is what it is. We just want the people na hindi nakaranas ng EDSA revolution, malaman kung ano ang totoong nangyari sa kasaysayan. Hindi pwedeng i-edit. Hindi pwedeng baguhin. That’s why it’s history, nangyari talaga. Sana mapanood ito ng marami. Kasi talagang hindi mo madi-deny na totoo ‘yung pelikula because actual footages. And let’s spread light and kindness,” giit niya.
Ayon pa kay Cherry Pie ay mahalagang malaman ng bawat mamamayan kung ano ang totoo lalo na’t talamak sa social media ang tinatawag na fake news. “In our own little way, ‘pag nagpo-post tayo sa social media, siguraduhin natin na responsible tayo. Alam natin kung ano ang facts. Let’s be responsible in posting. Tayong may edad na, okay lang, alam natin kung paano i-discern ‘yung totoo sa hindi. Ang kawawa ‘yung kabataan natin. Paano nila maipaglalaban ‘yung bansa na mahal natin, kung mabubuhay sila sa disinformation and false facts. Magtulungan na lang tayo,” pagtatapos ng aktres.
Jayda, may hinahanap na katangian sa magiging jowa
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal para sa Teen Clash sina Jayda Avanzado at Aljon Mendoza. Mapapanood na simula sa March 17 ang naturang iWantTFC original series. Naging malapit sina Jayda at Aljon sa isa’t isa mula nang gawin ang bagong proyekto. Posible kayang magustuhan ng dalaga ang dating PBB housemate kung sakali mang ligawan siya nito? “Para po sa akin, habang may buhay, may pag-asa. Honestly, at this point, I would say that wherever life takes us. I welcome that. Kung ano man ‘yung itadhana sa amin,” makahulugang sagot ni Jayda.
Sa edad na 19 taong gulang ay wala pang napabalitang naging kasintahan ang nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Kung papasok man sa isang relasyon ay mayroon daw mga katangian na hinahanap si Jayda sa isang lalaki. “I’m really looking for someone who respects me in what I do in my craft. And someone who will be ultimately supportive and proud of me whatever I do, who will always be at my side. Having that trust and respect is really important, that’s what kind of looking forward to a partner,” pagtatapat ng singer-actress. Reports from JCC
- Latest