^

PSN Showbiz

Kiana V., boses ng bagong mental health anthem

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kiana V., boses ng bagong mental health anthem
Kiana

Itinanghal kamakailan ng nangungunang telehealth service provider na KonsultaMD ang paglunsad ng mental health song na I Want To Be Here na pinerform ni Kiana V. kasama sina Curtismith and Nix Damn P.

Layunin ng kanta na bigyang-atensyon ang importansya ng mental health at hikayatin ang kabataan na magsalita at humingi ng tulong.

Ginanap ang exclusive listening party noong Jan. 26 sa The Island in BGC kung saan naging mahalagang pangyayari ito para sa KonsultaMD at mental health advocacy sa bansa. Dumalo rito ang mental health representatives mula sa iba’t ibang organisasyon gaya ng Juan for Mental Health and Silakbo, radio partners Wish 107.5, Magic 89.9 at 99.5, 917Ventures at Ayala Group, at iba pang celebrities.

Nagkaroon din ng Q&A tampok ang mga artist, KonsultaMD CEO Cholo Tagaysay, KonsultaMD Chief Business and Medical Affairs Officer Chelsea Elizabeth Samson, at ang music video team na pinangunahan nina Miko Reyes at Gian Fausto. Nagbigay sila ng kanya-kanyang opinyon sa paggawa ng kanta at ang misyon nilang gawing normal ang usapin tungkol sa mental health.

Ayon kay Kiana, sinulat nila ng kaibigang si Nieman ang kanta. Para sa kanya ay authentic ang dating ng kanta dahil isinulat nila ito ng kaibigan habang nagka-catch up sila.

“I wrote the song with my friend named Nieman, and we had a few hours of just catching up and making the song. That’s why it really felt authentic to us because a lot of what’s in the song is what we talked about,” said Kiana V.

Ibinahagi rin nila na maraming pagsubok na pinagdaanan ang kanilang team habang binubuo ang kanta dahil sa magkakaibang time zones ng kanilang artists.

Ikinuwento rin ni Tagaysay ang kanilang naging ins­pirasyon sa likod ng kanilang kolaborasyon kung saan gusto nilang gawing normal ang mental health gaya ng mga gawain na parte na ng ating pang-araw-araw na buhay.

“Mental health should be as normal as going to the gym or the spa. Everyone talks about wellness, but mental health is part of wellness; it’s part of your overall health. I Want To Be Here moves the conversation about mental health forward, and we are thrilled to be collaborating with such creative forces.”

Nagbigay rin ng kanilang live performances ang Nude Floor, ang dance crew na tampok din sa official music vi­deo, sa pamamagitan ng interpretative freestyle. Kinanta rin ni Kiana V. ang kanyang hit song na Safe Space nang ilunsad ang bagong mental health anthem.

Mapapakinggan na ang I Want To Be Here sa Spotify and YouTube. Inaanyayahan ng KonsultaMD ang lahat na makiisa sa kanilang layunin na palawakin ang mental health awareness.

I-follow lamang ang KonsultaMD sa Facebook, Instagram, at TikTok para maging updated sa kanilang mga bagong proyekto. I-download ang KonsultaMD app sa https://konsulta.md/ para magkaroon ng access sa mental health services anytime, anywhere.

KIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with