^

PSN Showbiz

Atty. Vince, nanghingi ng pasensya sa panloloko sa Ninoy…

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Atty. Vince, nanghingi ng pasensya sa panloloko sa Ninoy…
Bam at Viel

Buhay na buhay ang mga dilawan sa premiere night ng musical film na Ako Si Ninoy na ginanap sa Cinema 7 ng Power Plant Mall nung nakaraang Sabado.

Dumalo ang pang-apat na anak nina Ninoy at dating Pangulong Cory Aquino na si Viel Aquino-Dee, at nandun din ang dating Sen. Bam Aquino.

Bago sinimulan ang screening nagsalita ang writer at direktor nitong si Atty. Vince Tañada at ibinahagi niya ang kanyang karanasan nang isinama siya ng kanyang amang si dating Sen. Lorenzo Tañada sa libing ni Ninoy.

Aniya: “In 1983, my late dad brought me to the biggest funeral in Philippine history. At age 10, I was part of the two million who attended.

“And for some reason, maybe because of the large group of people who attended, my dad lost me. And eventually he found me, clinging tightly to the black fabric connected to the big truck serving as Ninoy’s funeral hearse.

“Hanggang sa panahong ito, hindi ko po maintindihan ang relevance ng kuwentong iyon ng tatay ko. Kasi I was 10.

“At tuwing nag-iinuman sila kasama ng mga barkada niya, lagi niyang ipinagyayabang ‘yun. Na nawala daw ako at natagpuan niya ako na yakap-yakap ‘yung tela sa truck ni Ninoy. But tonight… alam ko na po ang dahilan.

“Nais ko pong magbigay sana ng tribute kay Ninoy gamit ang aking sining. Kaya lang po, alam kong hindi iyon ang gusto niya.”

Ikinuwento na rin ni direk Vince kung paano niya nabuo ang musical play na Ako Si Ninoy.

“In 2009, the Benigno Aquino Foundation commissioned me to write a stage musical entitled Ako Si Ninoy. And I remember the exact words of late President Cory Aquino. She said, ‘Don’t write only about us. Write also about our people.’

“Well, humble talaga si Tita Cory. Ako naman, bilang bagong manunulat noon, sumunod. At ngayon, eto na nga po ‘yung pelikula natin. It is only tonight that I understand the relevance of the triumvirate, that powerful triangle, that invisible tie — Ninoy, Cory and the Filipino people.

“Pasensya na po kayo, nanloko po ako… Pasensya na po sa pamilya. Hindi po ito Ninoy biopic.

“Bagama’t ‘yun po ang prinomote namin sa lahat, hindi po ito tungkol kay Ninoy lamang. Kasi ayaw ko pong magalit si Ninoy at si Cory sa akin.

“Tungkol po ito sa atin bilang isang nasyon. Tungkol po ito sa ating mga kababayan,” saad nito.

Kaya itong Ako Si Ninoy na musical film ay hindi lang tumatalakay sa kuwento ni Ninoy Aquino kundi sa mga Pilipinong taglay ang pagiging bayani Ninoy.

Kuwento ng labing-isang karakter na sina Noli, Ivy, Ms. Nunez, Oscar, Yosef, Andeng, Quentin, Dr. Ungria, Ingrid, Nan­ding at Osborne, na bumuo sa pangalang N.I.N.O.Y. A.Q.U.I.N.O.

Mahigit dalawang oras ang pelikula, na ikinatuwa ng mga nakapanood pati ang pamilya Aquino.

Sandali naming nakatsikahan si Sen. Bam pagkatapos ng scree­ning at masaya siya sa kinalabasan ng pelikula.

“There were many times na naiyak ako, natawa ako, na-excite ako. Talagang lahat ng kailangang mong hanapin sa isang sine, nandito siya.

“And more than anything else, ang katapangan nito napakatindi talaga. I hope tangkilikin po natin ito,” pahayag ng dating Sen. Bam Aquino.

Tamang-tama lang daw na mapanood ito ng mga kabataan, at sa mga mas nakakatanda, mananariwa sa kanila ang ‘di makakalimutang pangyayari nung ‘80s.

“Lahat ng edad may mapupulot dito. ‘Yung mas nakakatanda maalala nila ‘yung panahon nung 80s, ‘yung mga mas bata first time silang makarinig ng ganitong kuwento. So there’s something for everybody,” sabi pa ng dating Sen. Bam Aquino.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Ako Si Ninoy sa Feb. 22.

JK, ayaw nang pag-usapan si Darren!

Ang guwapo ni JK Labajo na dumalo sa premiere night ng Ako Si Ninoy.

Siya ang gumanap bilang si Ninoy Aquino, at bilib kami sa ganda ng boses niya sa original songs ng musical play na kinanta niya rito sa pelikula.

Sabi niya sa amin, meron daw siyang original song na kinanta dito sa Ako Si Ninoy, ‘yun pala ang sikat niyang awiting Buwan.

Ibang bersyon ng kantang Buwan ang ginawa rito ni JK bilang si Ninoy nung nakakulong pa siya.

Nakatsikahan namin si JK bago nagsimula ang screening at naikuwento namin sa kanya na walang kamalay-malay si Cassy Legaspi sa isyu nila noon ni Darren Espanto.

Si Cassy ay gumaganap bilang si Ingrid sa musical film na ito.

Sabi ni Cassy, dedma lang daw si Darren nang naikuwento niya ito na kasama niya si JK.

Hiningan namin ng reaksyon si JK at ayaw na lang daw niyang mag-comment pa sa kuwento nina Cassy at Darren.

“Yeah! I mean, buhay niya ‘yun e.

“That’s her story to tell, I don’t have any part of that. Wala naman akong kinalaman dun,” kaswal na sagot ni JK.

Sinundan namin ng tanong kung okay na ba sila ni Darren. Ang sabi lang niya: “I don’t wanna talk about it.

“We are, but I don’t wanna waste my time there.”

Bukod kay JK at Cassy, kasama rin sa pelikulang Ako Si Ninoy sina Joaquin Domagoso, Marlo Mortel, Johnrey Rivas, Bodjie Pascua, Pinky Amador, Nicole Laurel, Tuesday Vargas, at marami pa.

NINOY

PREMIERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with