^

PSN Showbiz

Maggie at Victor, may kontrahan sa pre-nup agreement!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maggie at Victor, may kontrahan sa pre-nup agreement!
Maggie
STAR/ File

Parang malayo pa ang lalakbayin nina Maggie Wilson at asawang Victor Consunji sa kanilang giyera sa social media.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kanilang pre-nuptial agreement.

Naglabas nga ang dating beauty queen / actress kahapon ng resibo sa kanyang Instagram stories na galing sa Office of the Local Civil Register at nakalagay na “This is to certify that spouses Victor Sid Blanco Consunji and Margaret Nales Wilson have no record of any Pre-Nuptial Agreement in the office of the Municipal Civil Register, Bacacay.”

February 14, 2022 ang date ng nasabing certificate.

“I have resolved to enforce the existing prenuptial agreement, strictly and without further consideration,” ayon sa naunang pahayag ng negosyante na biglang naging ‘showbiz’ ang dating.

“Is this why you want to send me to prison?” bahagi ng sagot ni Maggie sa statement ng dating asawa.

Ayon nga sa real estate mogul, napilitan siyang maglabas ng statement dahil na rin sa diumano’y walang tigil na ‘harassment’ ni Maggie sa mga social media posts nito.

“Up to this point, I have done my best to remain silent, resorting only to lawful remedies to answer unlawful acts maligned to tarnish our reputations and character,” ani ng bilyonaryo sa statement.

Inilahad nga ni Consunji na nahaharap sa tatlong kaso ng adultery at 16 cases of cyberlibel, at patong-patong na civil cases of swindling ang dating asawa. Dahil dito, itinuturing ni Consunji ang asawa na isang “fugitive”.

Si Maggie ay kasalukuyang nasa abroad at mina-manage ang kanyang mga negosyo roon, base na rin sa kanyang mga social media posts.

Very active si Maggie sa kanyang social media at dito niya madalas na ibinubunyag ang mga pasabog niya tungkol sa kanyang asawa at aniya’y “harassment” na na-i-experience niya at ng kanyang pamilya mula sa kampo ni Consunji.

Isa sa mga isinawalat ni Wilson ay ang alleged relationship ni Consunji with Rachel Carrasco na kaibigan ng mag-asawa.

Naglabas din si Carrasco ng kanyang separate statement kasabay ng kay Consunji.

“On 7 August 2022, I began to face a series of direct attacks and accusations from Ms. Maggie Wilson that maligned both mine and Mr. Victor Consunji’s person and character,” sabi ni Carrasco.

“However, more recently, the harassment and bullying has escalated into the intrusion of my private spaces and the involvement of, and references made to my unborn daughter,” dagdag pa nito.

Ang huling post ni Maggie ay nasa Singapore siya para sa isang luxury brand.

Kinuyog ang nasabing post ng kanyang followers at iba-iba ang reaction nila. May kumakampi sa kanya pero may mga nagagalit din.

Kaloka rin ang nagaganap sa mag-asawang ito na magandang story sa isang series.

VICTOR CONSUNJI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with