^

PSN Showbiz

Joshua, lantaran na ang relasyon kay Bella

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua, lantaran na ang relasyon kay Bella
Joshua at Bella
STAR/ File

Nagde-deny pa ba si Joshua Garcia na syota niya si Bella Racelis?

Iba ‘yung hindi pa nila inaamin openly sa publiko ang kanilang relasyon. Kahit mukhang sa publiko nga ay wala silang sinasabi, pero sa pamilya nila, parang open na nga na mayroon na silang mutual understanding. Sinasabing magkasama silang dalawa sa Japan, at sila pa mismo ang nag-post noon sa kanilang social media accounts?

Kaya nga hindi mo naman masasabing naglihim sila. Siguro nakita rin naman ni Joshua ang masamang epekto noong itinatanggi pa ang relasyon, kagaya nung ginawa ng ex niyang si Julia Barretto at ang boyfriend na si Gerald Anderson, na noong una nag-deny pa, tapos aamin din naman pala. Hinintay pang mabuko nang todo.

Tingnan ninyo, nagpa-sexy na si Julia hindi pa rin nakabawi. Isa pa, ano ang dahilan para ikaila pa eh maganda naman si Bella at galing sa isang mabuting pamilya. Kinikilala ang pamilyang iyan sa Lipa.

Noong mag-birthday si Bella noong isang araw, inilabas ni Joshua na niregaluhan niya ng isang bracelet ang vlogger, at may suot din siyang identical bracelet na Chrisian Dior.

Kaya dapat aminin na nila iyon sa publiko, at tiyak makakadagdag pa iyan sa kanyang popularidad.

Anak nina Ricky at Jackielou, kamukha ng Hollywood star

Nagulat kami noong isang araw sa ABS-CBN, may nakita kaming isang napakagandang babae, na sa tingin namin ang mukha ay parang ang international star na si Phoebe Cates na kinabaliwan sa buong mundo noong kanyang panahon.

Mas lalo kaming nagulat noong sabihin sa aming anak pala nina Ricky Davao at Jackielou Blanco, si Arabella Davao. Hindi na rin masasabing bago siya, dahil dalawang taon na pala siya bilang ABS-CBN talent, kaso inabutan siya nang nawalan ng prangkisa ang network kaya halos walang nangyayari sa kanyang career. Halos wala nga siyang career sa loob ng dalawang taong iyon.

Isa siya sa mga talents na pinabati sa ikaanim na dekada ni Ate Vi, na tuwang-tuwa rin nang makita siya. Maraming pelikulang nagkasama rin ang erpat niya at si Ate Vi, at inaanak pa pala sa binyag ni Ate Vi ang isa niyang kapatid.

Sayang na bata kung maghihintay lang siya na may dumating na break sa kanya dahil alam naman natin na limitado rin ang resources ng ABS-CBN ngayon dahil wala nga silang franchise, at natural hindi halos kumikita.

Pero maganda talaga si Arabella. Sabi nga namin siguro kung nabubuhay pa si Mina Aragon ng Viva, at nakita iyang batang iyan, kinuha na siya at binigyan agad ng project.

Dekada ni Ate Vi, pinanghinayangang putulin

Matapos ang taping ng Anim na Dekada, Nag-iisang Vilma, gaya nang inaasahan namin talagang mahaba ang material para sa dalawang oras na special presentation.

Noong una nga isang oras at kalahati lang sana.

Tapos naisip nila masyadong maikli iyon, kaya ginawa nang dalawang oras. Eh ang haba pa rin.

Ang first option bawasan ang material, pero nanghihinayang naman dahil napakaganda nga ng usapan.

Dalawang magkasunod na gabi ito ipalalabas, February 18 and 19 sa lahat ng social media platforms ng ABS-CBN, 8:30 p.m.

Abangan dahil maraming magagandang pangyayari sa buhay ni Ate Vi na ngayon lang ng iba malalaman.

vuukle comment

BELLA RACELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with