Japanese actor na si Jacky Woo magpapa-audition sa gagawing pelikula, Bela gusto ulit makatrabaho
Nagbakasyon pala sa Pilipinas ang Japanese actor / director / producer na si Jacky Woo.
Pero ngayong araw siya naka-schedule bumalik ng Japan. One week lang siyang naglagi rito.
Four years ding hindi nakapunta ng Pilipinas si Jacky.
Pero babalik siya next month para sa kanyang comeback movie sa Pilipinas.
Maaalalang maraming nagawang pelikula si Jacky dito.
Ilang panahon na ring pabalik-balik ng bansa ang Japanese actor / director / producer at nagkaro’n na siya ng co-production venture sa ilan nating mga actor/ producer gaya nina Robin Padilla (Alab ng Lahi) at Cesar Montano (Panaghoy Sa Suba)
May isa pa siyang pelikula na ginagawa, ang Shogun fighter. At may mga eksena ito na kinunan sa Japan.
Pinalabas din sa bansa ang Shaolin vs. Evil Dead, isang kungfu horror comedy na nagtatampok din sa Hong Kong cinema legend na si Gordon Liu (Kill Bill 1, 2, Evil Master), Kit Cheung, Louis Fan Shi Xiao-Hu, Shannon Yoh sa direksyon ni Douglas King.
Ang pelikula ay naimbitahan para maipalabas sa Brussels Int’l. Festival of Fantasy, Thriller & Science Fiction Films sa Brussels.
Natapos din niya ang Manila, Westside Story sa ilalim ng kanyang kumpanyang Forward Group kung saan nakatambal niya si Jennylyn Mercado.
Naalala lang ni Jacky nang maka-chika namin kahapon na hindi niya noon alam na isang singer din si Jennylyn kaya wala itong singing part sa pelikula na isang musical at tungkol din sa racial discrimination.
Nakatrabaho naman niya sa pelikulang Tomodachi si Bela Padilla na dinirek ni Joel Lamangan.
Puring-puri noon ni Bela si Jacky. “Very professional at wala siyang ere, dahil hindi ba ang dami na rin niyang nagawang movies sa iba’t ibang bansa? Pero wala siyang ere at all, lagi siyang on time, hindi siya nagpapahintay,” saad ni Bela.
Nanalo rin ang Tomodachi bilang Best Foreign Language Film at Best Musical Scoring sa Madrid International Film Festival 2016.
Pero masasabing highlight ng career ng Japanese actor ay nang manalo siyang best actor para sa pelikulang Haruo sa International Film Festival Manhattan held in New York na dinirek ni Adolf Alix.
Bukod sa mga pelikula, madalas din siya noong mapanood sa mga show ng GMA.
Pero nang magkaroon ng pandemic, natigil ang pagbiyahe niya sa Pilipinas at ngayon lang uli siya nakabalik.
Nang makausap namin siya kahapon ay may kasama siyang interpreter na Pinay at sinabi nga niyang nagpaplano siyang gumawa ng pelikula sa bansa.
Sino ang gusto niyang maka-partner kung sakali?
“Si Vilma Santos. Ang galing niya. Napanood ko siya sa Anak,” sabi niya in Japanese na translated in Tagalog.
Gusto rin ulit niyang makatrabaho si Bela na bilib siya sa kabaitan.
Ganundin si Rufa Mae Quinto na nakasama niya noon sa mga episode ng Bubble Gang pero comedy movie at aniya ay ayaw niya ng may kissing scenes.
Anyway, pagbalik niya ng bansa next month ay magpapa-audition siya ng mga artistang isasama sa pelikula kung saan hindi lang siya ang producer at actor, siya na rin ang magdidirek.
Dream 7 na lilipad sa Korea, malalaman na
Sinu-sino kaya ang pitong Dream Chasers na lilipad papuntang Korea at matutupad ang pangarap maging parte ng global pop group?
Malalaman na ‘yan ngayong Sabado (Feb. 11) at Linggo (Feb. 12) sa pagtatapos ng idol survival competition na Dream Maker na gaganapin live sa Caloocan City Sports Complex.
Huling pagkakataon na ito ng Top 16 Dream Chasers na ipakita ang kanilang husay sa pagkanta at sayaw. Kinakailangan din nila pabilibin ang mga manonood dahil nakasalalay lamang sa public voting kung sinu-sino ang mapapasama sa Dream 7.
Sa huling ranking, nasungkit na Vinci Malizon ang Top 1 spot matapos malagay sa Top 2 spot noong ikatlo at ikalawang ranking. Napabilang din sa Top 7 sina Marcus Cabais, Kyler Chua, Reyster Yton, Jeromy Batac, Winston Pineda, at Wilson Budoy.
Hindi pa naman sigurado ang kasalukuyang Top 7 sa kanilang mga puwesto dahil may tsansa pa rin ang iba pang Dream Chasers na sina Kim Ng, Drei Amahan, Jom Aceron, Thad Sune, Jay-r Albino, Josh Labing-isa, Matt Cruz, Macky Tuason, at Prince Encelan na sungkitin ang kanilang pwesto.
Sila pa rin kaya ang mabobotong Dream 7 sa finale? O maungusan kaya sila ng iba pang Dream Chasers?
Ang tatanghaling Dream 7 ay ipapadala sa Korea para i-debut bilang isang global pop group mula sa Pilipinas.
In all fairness, sa nakalipas na apat na buwan, naging usap-usapan at trending linggo-linggo ang Dream Maker, o ang kauna-unahang idol survival show sa bansa na kolaborasyon ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc. Sa katunayan, lumampas na rin sa 100,000 subscribers ang kanilang YouTube channel.
Mapapanood ang Dream Maker finale ngayong Sabado at Linggo, 8:30 p.m. sa Dream Maker YouTube channel, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC,TFC IPTV, at Pie channel. Maari rin nilang panoorin ang delayed telecast sa TV5.
- Latest