^

PSN Showbiz

Niña, hindi namimili ng tutulungan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Niña, hindi namimili ng tutulungan
Niña Taduran

Sana ngayong si Sec. Rex Gatchalian na ang mamamahala ng DSWD ay i-retain si Niña Taduran sa puwesto niya bilang USEC.

Madaling lapitan at talagang very kind kaya naman mahal ng mga tao si USec Niña kahit pa itanong ninyo sa kaklase ni Salve na si Edgar Allan na may matinding pinagdaanan sa ibang bansa.

Kahit nga si Alex Marcelino puring-puri si USec. Niña dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanya.

At naalala ko talaga ‘yung classmate ko sa dialysis na talagang agad-agad action ang ginawa niya. Malaking bagay sa anumang departamento o ahensya ng pamahalaan si Niña Taduran.

Palagay ko naman makikita iyon ni Sec. Gatchalian kaya hahayaan niyang manatili sa puwesto si Niña na tiyak na malaki ang maitutulong sa kanilang ahensiya.

Bonggang-bongga talaga ang Anna Mejia na punong-abala kay Sen. Win Gatchalian at ngayon kay DSWD Sec. Rex na rin.

Ysabel, laging may bitbit na libro

Bongga rin ang dream ni Ysabel Ortega na maging lawyer one day.

Talagang desidido siya na matapos ang law study niya kaya kahit hirap sa time management talagang ginagawan niya ng paraan para mag-aral.

Naloka ako sa bigat ng bag niya na puno pala ng libro kasi nga kahit saan siya pumunta sinisingit niya ang paggawa ng mga kailangan sa school. ‘Pag ganyan ang ugali ng isang estudyante tiyak na magagawa niyang matapos ang pag-aaral.

Ang galing nga ng mga anak ni Lito Lapid na lahat nakatapos ng pag-aaral.

Talagang ayaw nilang matulad sa ama na dahil sa kahirapan noon hindi nakatapos ng kolehiyo.

Kaya hayan ang mga anak niya ngayon lahat college graduate. Bongga.

vuukle comment

NIñA TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with