Dawn, dinadamay sa pulitika
Sa panahon ngayon ng social media talagang dapat emotionally strong ka. Ang dami kasing kahit walang alam sa issue, at walang pakialam, sawsaw lang nang sawsaw. ‘Kaloka na para bang kilala nila ang isang tao kung husgahan nila.
Like kay Dawn Zulueta na isa sa pinakamabait at very polite na star na nakilala ko. Nagtataka ako bakit sinasali siya sa issue ng pulitika dahil lang asawa siya ni Anton Lagdameo. Eh ano kung isama siya ng mister niya sa mga lakad nito, like ‘yung pagpunta sa Davos, Switzerland. Kayang-kaya ni Dawn na magbayad ng stay niya roon. Saka dapat lang isinasama ng mga mister ang asawa nila ‘pag biyahe nila kung gustong sumama nito.
Sa mga walang magawa na nag-aaksaya ng oras para mam-bash ng tao, palagay ko may mental problem ang mga ito. Bakit ka magagalit sa taong hindi mo kilala, waste of time and energy.
Kaya nga, Salve at Gorgy, ‘yang oras n’yo dapat mahalaga. Sa mga bagay na may katuturan n’yo lang ubusin, please.
Pagmamahal ng mga alagang aso, dama ng fur parents
Alam n’yo ba kung bakit very late ang pagpapadala ko ng text para sa aking kolum today? Kasi nga pinapanood ko sa TV ‘yung story tungkol sa dog na ng namatay ‘yung nag-aalaga sa kanya ayaw nang umalis doon sa pinaglibingan ng nag-alaga sa kanya.
Cry ako nang cry dahil sa loyalty ng dog sa kanyang owner. Biglang naalala ko na naman sino ang mag-aalaga kay Jokjok ‘pag nawala ako. ‘Yung emotional attachment mo sa alaga mo, parang ang hirap isipin. Lalo na nga nang sabihin ng vet doctor na kaya shorter ang life ng pet mo dahil dapat mauna sila para maayos mo ang kalagayan nila.
Sad talaga ako habang watch ko ‘yung serye about dogs, talagang sila na nga siguro ang best pet sa lahat dahil naipapakita nila at nadarama mo ang love nila sa iyo.
- Latest