^

PSN Showbiz

Wasak sa ‘birthday bash’mister na pulitiko, tanggap na walang excuse ang ‘kalokahan’ ni Alex

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Wasak sa ‘birthday bash’mister na pulitiko, tanggap na walang excuse ang ‘kalokahan’ ni Alex
Alex Gonzaga at Mikee Morada

May paramdam ulit si Kat Alano kahapon sa Twitter.

Aniya, “people will cancel you for cake

“but celebrate you for rape.”

No mention ng kahit anong pangalan pero hulang-hula ng netizens ang pinatatamaan.

Samantala, ngayong gabi na magaganap ang I Am Toni, ang 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum na ididirek ni Bobet Vidanes.

Magiging guest niya si Alex na bongga ang naging ‘birthday bash.’ Yup literal na trending ang kanyang ‘birthday bashing’ dahil sa kanyang pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter, si Allan Crisostomo.

Nag-sorry na si Alex the other night pa : “On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.

“I am truly sorry, Kuya Allan.

“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person” pero trending pa rin siya at parang walang planong tantanan ng bashers and haters.

At aminado ang mister nitong si Coun. Mikee Morada na walang excuse sa pagkakamali ng misis na hindi na bago kumbaga ang mga pang-ookray.

Ayon kay Coun. Morada : “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa. Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan. Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan,” bahagi ng post ng mister na apektado sa pamba-bash pero na nagiging biktima rin mga ‘kalokohan’ ng misis na host and vlogger.

Eh kung ang parents nga ni Alex inookray niya, what more ang ibang tao, alang-alang sa vlog.

Pero parang wala rin namang nag-unfollow kay Alex sa YouTube dahil as of kahapon, 13.1 million ang followers niya. Na parang the more na naba-bash ito the more na dumarami ang nanonood ng vlog na nagpapalaki pa ng kita niya in dollars.

Pero ang comment ng iba, hindi bagay na first lady ng Batangas si Alex dahil ang sabi, nagpaplanong kumandidatong governador si Mikee sa kanilang probinsya. “Hindi siya bagay maging future first lady ng Batangas tulad ng inaambisyon...being a fame whore has its repercussions. And this goes for Dani Barretto as well because she uploaded the video,” ayon sa PR lady na si Ms. Susan Isorena-Arcega dahil nga naman lumalabas na pinaglalaruan lang siya ng misis kung minsan.

MIKEE MORADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with