^

PSN Showbiz

Darna, nakarating na sa Indonesia; viral scandal, umabot hanggang Africa  

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Darna, nakarating na sa Indonesia; viral scandal, umabot hanggang Africa     
Jane de Leon

Habang patuloy nasusubaybayan si Jane de Leon bilang Darna sa Pilipinas ay napapanood na rin ng Indonesian viewers ang Bahasa Indonesian-dubbed version ng makabagong kwento ng iconic Pinoy superhero sa free TV network na ANTV.

Sa pagtatapos ng pilot week nito, naging maganda umano ang pagtanggap ng Indonesian viewers sa kwento ni Narda at mas napabilib sa kanyang unang transpormasyon bilang Darna.

Ibinahagi rin ng ANTV chief program and communications officer na si Kiki Zulkarnain ang kanilang galak na dalhin sa Indonesia ang kwento ni Darna, na layon ding magbigay inspirasyon sa Indonesian viewers. Aniya, “We have always presented programs with a narrative closely associated with the daily lives of Indonesian people. As we begin the year, we present a new genre to our viewers that tell the story of the iconic Filipino heroine Darna, which also appeals to our younger audiences as she serves as a perfect role model for them. Darna certainly makes our programming more diverse, and we hope it will not only entertain but instill values in the youth through her acts of kindness and bravery.”

Samantala, palabas na rin ang teleseryeng pinagbidahan nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Jake Cuenca na Viral Scandal sa 41 bansa sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang Nigeria, Ghana, Seychelles, at Ivory Coast.

Ilan lamang ito sa mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.

Kabilang sa mga itinampok na de-kalibreng programa abroad ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Sino ang Maysala?: Mea Culpa, La Luna Sangre, Since I Found You, Ang sa Iyo ay Akin, at The Legal Wife sa Africa, ang 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo sa Latin America, The Blood Sisters sa overseas territories ng France, at kamakailan tatlo sa primetime serye nitong Marry Me, Marry You, On the Wings of Love, at Halik sa Malaysia.

And speaking of Darna, naghahanap pala sila ngayon ng isang pasabog na guest para sa nalalapit nitong pagtatapos.

Totoo ba na inooperan nila si Nanette Medved at Regine Velasquez?

Malapit na ngang magtapos ang Darna na ang papalit daw ay ang Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with