^

PSN Showbiz

'Mali talaga siya eh': Mister ni Alex Gonzaga sa viral na pagpahid ng cake sa waiter

Philstar.com
'Mali talaga siya eh': Mister ni Alex Gonzaga sa viral na pagpahid ng cake sa waiter
Litrato nina Lipa City Councilor Mikee Morada (kaliwa) at misis na si Alex Gonzaga (kanan)
Mula sa Instagram post ni Alex Gonzaga

MANILA, Philippines — Hindi na ipinagtanggol ni Lipa City Councilor Mikee Morada ang misis niyang si Alex Gonzaga matapos pahiran ng cake ng huli ang isang waiter sa isang party — pero hindi raw ibig sabihing pwede nang alipustahin ang aktres.

Ito ang sinabi ng pulitiko matapos humingi ng tawad ni Alex sa waiter na si Allan, na tila napahiya nang husto nang mapagtripan noong advanced 35th birthday ng nauna.

"Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa," ani Morada sa kanyang FB post, Miyerkules.

"Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya."

 

 

Aniya, napagtanto na ng artista ang pagkakamaling nagawa at agad humingi ng dispensa. Sa kabila nito, ikinaiinis ng konsehal na marami pa ring nasasabi ang publiko sa kanyang asawa.

Binanatan nang husto ng netizens ang ginawa ni Alex lalo na't tila pamamahiya at pang-aabuso na raw ito sa uring manggagawa na gumagampan lang ng trabaho.

Kamakailan lang nang dumepensa ang kampo nina Alex sa nangyari, lalo na't nagbibiruan lang daw. Kaibigan din daw ni Pinty Gonzaga, ina ni Alex, ang waiter na si Allan.

"Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito," dagdag pa ni Mikee.

"Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan." 

"Catherine [Alex], masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo."

Una nang napilitang maglabas ng pahayag ang employer ng waiter patungkol sa insidente.

Kagabi lang nang sabihin ni Alex na mahirap at importanteng aral ang ibinigay ng Diyos kasabay ng kanyang kaarawan. Hindi lang daw kasi ang waiter ang napahiya kung hindi pati ang kanyang pamilya: "I will rise from this a wiser and better person."

 — James Relativo

ALEX GONZAGA

BIRTHDAY

CAKE

MIKEE MORADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with