Knowledge Channel, tuluy-tuloy ang pagtulong
Sinimulan ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) ang taon sa pagpapatuloy ng mga proyekto tulad ng Basa, Bilang kung saan namigay sila ng 60 episodes na kopya ng Ready, Set, Read! sa 18 elementary schools ng Department of Education – Division Office sa Santa Rosa City, Laguna.
Layunin ng proyekto na ma-develop ang galing sa pagbabasa ng Filipino at Ingles at pag-unawa sa Math problems ng mga mag-aaral gamit ang curriculum-based videos na maaaring mapanood sa eskwelahan.
“Isa lamang ang Basa, Bilang sa mga exciting campaigns ng Knowledge Channel ngayong taon. Katuwang ang DepEd at iba pang mga partners, patuloy kami sa paggawa ng mga paraan para maiangat ang kalidad ng ating educational system at maging gabay ng ating mga guro sa kanilang pang araw-araw,” pahayag ni KCFI president and executive director Rina Lopez.
Maliban sa video materials na tinanggap mula sa pakikipagtulungan ng Rotary Club Makati Premier District, ilang grade 1 teachers at school principals ang napili para umattend ng Knowledge Channel teaching training Learning Effectively through Enhanced and Evidenced-Based Pedagogies for Reading o LEEP-Reading, mula Feb. 6-8, 2023 kung saan bibigyan sila ng exclusive mentoring, training at assessment para ma-improve ang kanilang teaching techniques sa eskwelahan.
Kaisa ang kanilang partners, patuloy lamang ang KCFI sa pagbibigay ng transformative learning experience sa mga guro at estudyante sa buong Pilipinas.
Para sa karagdagang educational materials at updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.
- Latest