Bye muna sa Radyo
TV Police Reporter ako noon sa RPN9 nang mabigyan ako ng pagkakataon na maging DJ sa 91.5 Energy FM. Nung una raket lang s’ya para sa’kin. (mukhang pera lang ganyan!) Pero ‘di nagtagal, iniwan ko ang pagiging reporter at nag-concenrate sa pagiging DJ. Dito na umusbong ang title kong Ang Tagabulabog ng Buong Universe at umingay ang tag kong “may ganon?!” (na sinasabi ko ng more than 100 times per show nang live ha! ‘di recorded!) Dito rin nagsimula ang mga oportunidad ko sa showbiz bilang entertainment host sa telebisyon. (na balak ko sana maging sexy actress talaga!) Naging segment host ako sa Eat Bulaga at main host ng Tweetbiz sa QTV11 ng GMA. (feeling celebrity ganyan!)
Nakatanggap din ako ng ilang offers sa ibang radio stations. Unang nilipatan ko ay ang 103.5 Wow FM. Dito naman nagsimula ang paggawa ko ng TV commercials. (‘di pa uso mga influencers n’yan!) Nagsimula na rin ako gumawa ng column sa dyaryo. Kinuha rin ako ng TV5 bilang regular talent nila sa mga talk, variety and comedy shows. Isa sa big break ko d’yan ay ang Wow Mali kasama si Sir Joey De Leon. (feeling close ako sa kanya ha!)
Dalawang FM stations pa ang pinuntahan ko, ang 106.7 Energy FM at ang pinaka huli ko ang 91.5 Win Radio. Sa mga panahong ito, nag-explore na ‘ko online. Nagka-show kami ni Nay Lolit Solis (gusto mo bang bumalik tayo, Nay Lolit?!) Nailunsad ko ang digital show na WTFu (na namamayagpag ngayon ha!) at naging News Anchor ako para sa isang Online News Program. (na kinakarir ko rin now!)
Nitong Lunes, pinost ko sa aking social media account na nag-resign na ‘ko sa Radio Show ko. (effective immediately ha!) May ilang buwan ko na rin iniisip ang planong umalis dahil sa ilang factors. (‘di ko na idetalye ha!) Pero after ng isang meeting sa boss last week, naging buo ang desisyon na ituloy na ang pagre-resign. Makalipas ang labing limang taon sa ere, mag-break muna ako sa pagigng Radio Jock at mag-focus sa mga proyekto ko online. (at baka magpa-sexy na rin ako sa vivamax. Chos!)
Maluwag sa puso ko ang desisyon. Napapaemote lang ako minsan ‘pag naiisip ko ‘yung 15 years at ‘yung mga magagandang naidulot nito sa aking buhay. (sayang wala nang MMK!) Kailangan lang talagang kumalas at bumitaw muna (ask n’yo pa si Morisette!) kapag hindi na masaya sa lugar na kinalalagyan at hindi ka na nabibigyan ng respeto at pagpapahalaga. (baka kung ano pa masabi ko!)
Maraming salamat sa mga nakinig at sumuporta sa’kin sa ere. Thank you sa mga loyal listeners, sa pamilya ko at mga kaibigan. (parang tumatanggap ng award!)
Special mention sa radio assistant kong si Emily (na tumatumbling for me!), kay Bryan ( na minsan ay shock absorber ko!) at sa tatlong tao na nagbibigay sa’kin ng tunay na pagpapahalaga bilang talent at kaibigan, sina Joee Guilas, Lach Baviera at Koyang Bernie Buenaseda. (mahal ko kayo!)
Mahal ko ang radyo. Ang daming naibigay sakin n’yan na milestones at victories. Tine-treasure ko lahat ng ‘yan, di mawawala sa aking puso. (ang drama !)
Ito po ang inyong MR.FU, ang tagabulabog ng buong universe, signing off for now. Dahil d’yan close na tayo. May ganon?! (Hanggang sa muling pambubulabog sa ere!)
- Latest