^

PSN Showbiz

MJ, rumesbak sa pang-iiwan kay Celeste pagkatapos maging TY girl!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MJ, rumesbak sa pang-iiwan kay Celeste pagkatapos maging TY girl!
MJ Lastimosa

Ayaw na sanang patulan pa ni Jonas Gaffud ang mga bashing sa kanya dahil sa pinagbintangan na silang iniwan na lang si Celeste Cortesi pagkatapos nitong maligwak sa top 16 ng Miss Universe 2022.

Isa ito sa pinag-usapan sa Twitter hanggang kahapon na kung saan ini-repost nila ang kuha na nasa labas na ng venue si Celeste at kasama na lamang nito ang Mommy niya at ang boyfriend na nagpapatahan sa kanya habang umiiyak ito.

Si Dyan Castillejo ang isa sa yumakap sa kanya at hiningan ito ng mensahe sa lahat na mga supporter niya.

Meron ding isang kuha na kasama ni Celeste ang team niya at wala roon sa mga organizer ng Miss Universe Philippines.

May nagtanong kay MJ Lastimosa kung totoo bang iniwan na lang niya si Celeste pagkatapos ng semis.

May isa pang nagtanong na sinagot na rin ni MJ ng; “Ako po umuwi din sa hotel mag isa during my time. I took the MU bus. Bakit po?”

Kahapon ay nag-tweet uli si MJ ng; “Sobrang walang comprehension ng mga tao here huhu (crying emoji) pano ko po iiwan si Celeste. Anjan po sya sa backstage till the pageant ends. Wala po pwedeng umalis. And di rin po ako pwede sa backstage. Anong gagawin ko?

“Juskwa kayo! Ayan zinozoom in ko pa sya.”

Sumagot din ang Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud para ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari pagkatapos ng pageant night.

Iniwan nga ba nila si Celeste?

Pahayag ni Jonas na ipinadala sa amin thru viber; “Immediately after the semifinals announcement, I was messaging directly with Celeste.

“She asked if she could spend time with her Mom and Mathew after the pageant. Because the case usually is, they have to be in the Miss Universe bus to go back to their hotel. But Celeste decided to be with Mathew, her friend Benj, and Mom.

“Since her Mom was leaving in the morning, I informed Mathew of the plan and we would meet with them afterwards.

“It was important she spent that time with her family. I went back to the hotel to rest.

“We saw each other today and of course talk about everything.

“Aside from what happened, I was also dealing with logistics: rebooking of flights, checking on her luggages, transportation and all.

“I also had to meet up with people from different countries/organizations.”

Alden, hindi pa nalalatagan ng mga gagawin

Ang buong akala ng mga taga-Family Feud, hanggang June this year na lang ang kanilang game show.

Nilinaw ito mismo ng SVP for Entertainment Group na si Ma’am Lilybeth G.

Rasonable na tuluy-tuloy pa rin itong sikat na game show ni Dingdong Dantes.

“Oo naman. Kasi, talagang super ine-enjoy niya yung Family Feud. Sanay na sanay siya sa pagho-host nun. Nalalaro na niya talaga,” tugon ni Ma’am Lilybeth.

Last Friday the 13th nga ay tumataas ang rating ng Family Feud na kung saan naglaro ang The Click Barkada versus ang cast ng Underage na nagsimula na kahapon.

Naka-12 percent ang rating nito.

Nung araw na iyun ay tumaas din ang rating ng mga afternoon drama na sinimulan sa Abot Kamay na Pangarap na naka-9.6 percent, sumunod ang Unica Hija na 10.1 percent at 9.6 percent naman ang Nakarehas na Puso.

Napag-usapan na rin lang ang ratings.

Nung nakaraang Biyernes din pala nagtapos ang Mano Po: The Flower Sisters at naka-9.2 percent ang finale episode nito.

Nagulat kami! Mas mataas pa pala ang finale nito kesa sa finale ng Start Up Ph na Bea Alonzo at Alden Richards starrer pa ito.

Sa pagkakaalala ko, naka-8.3 percent lang ang finale ng seryeng iyun.

Kaya kampante akong mas matataasan pa nito ang ipinalit na drama series na Luv Is: Caught in His Arms na nagsimula na kagabi.

Sabi naman ni Ma’am Lilybeth, may nakahanda na sila para kay Alden ngayong taon.

Hindi pa raw nila ito nailatag sa Asia’s Multimedia Star kaya hindi pa niya mai-share sa amin.

Si Bea naman ay meron na sila ni Dennis Trillo na collaboration ng GMA 7 sa VIU.

Exciting din ang naka-line up kay Ruru Madrid na tila isa sa paborito ngayon ng GMA 7.

Isa na nga rito ang nasimulan na nilang The Write One kasama si Bianca Umali at ang sequel ng Lolong.

MJ LASTIMOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with