Ka Tunying, nakuha ang pulso ng mga mahilig sa merienda!
Naku, kailangan talagang gawin ko ito kahit ayaw nina Ka Tunying at Rossel Taberna.
Imagine mo na every Tuesday meron akong supply ng macaroni soup at champorado. At talagang religiously kinukuha ni Gorgy Rula sa Visayas Ave. branch ng Ka Tunying para i-deliver sa akin.
Sabi ko nga kay Gorgy sabihin kay Rossel na ok lang dahil napakamura naman ng merienda nila kahit pa nga ang sarap at talagang ang laki ng serving. Talagang hindi ka manghihinayang bumili dahil sulit ang ibabayad mo sa kanilang pagkain.
Pero talagang, tuluy-tuloy ang pagbibigay nila.
Talagang nakuha ng Ka Tunying ang pulso ng mga mahilig sa merienda dahil talagang hahanap-hanapin mo ang pagkain nila lalo pa nga ang champorado at sopas.
Naku ha, kahit saan mapunta si Ka Tunying suportahan ko dahil napakabait nilang mag-asawa, talagang lagi silang handa para tumulong sa sinuman.
Sana nga dumami pa ang branches ng Ka Tunying hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ganitong mga pagkain ang hinahanap ng mga kababayan natin sa abroad.
- Latest