^

PSN Showbiz

Mga kandidato, siksikan sa 2025!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bongga nakatsikahan namin si Sen. Mark Villar Sa noong Miyerkules ng tanghali kasama ang non-showbiz friends na sina Brian Yamsuan, Allan Encarnacion at si Department of Information and Communications Technology Undersecretary Anna Mae Lamentillo na lagi kong nakikitang ini-interview sa mga news program.

Bongga talaga dahil kahit bihira tayong nagkikita-kita, talagang ‘yung friendship hindi naputol.

Nakakatuwa nga dahil ‘pag sawa na tayo sa usapang showbiz, usapang political naman, hah hah, parang paseryoso naman.

Pero actually ‘yung magkita-kita lang at mag-usap sila sandali at nakakatuwa na. Dahil siyempre iba-ibang skeds, iba-ibang time kaya madalas hindi magtagpo ang schedules. Ang friendship naman hindi sa dalas ng pagkikita, nasa bonding iyon. Kahit hindi magkita at mag-usap alam mo kung sino ang kaibigan mo, kaaway mo, kakilala mo lang. Hindi kailangan ang madalas na pagkikita, basta nasa puso mo na mahal mo ang naturang tao.

Kaya excited ako, Salve and Gorgy, na sa unang linggo ng taon 2023 kasama natin ang mga tropa nating hindi showbiz pero close sa atin.

At isa sa naalala kong pinag-usapan natin nina Brian at Allan na tiyak daw very exciting ang darating na midterm election sa 2025. Kasi nga masyadong marami ang kandidato kaya siksikan silang lahat sa puwesto lalo na sa senado.

Mara­mi ring reelectionist, mga bagong sasabak. Grabe ang magiging siksikan kasi nga pati stars pumasok na rin sa pulitika.

Kaya tingnan mo, maraming presscon sa politics at hindi sa showbiz. Una na nga na nagpatawag ng presscon si Lito Lapid na running for reelection as senator. Sabagay, visi­ble ngayon si Lito dahil sa pagsama niya kay Coco Martin sa Ang Probinsyano at ngayon sa Ang Batang Quiapo.

Malakas pa rin ang hatak ni Lito at meron pa rin siyang fan base kaya malakas pa rin ang laban niya sa sa kahit anong puwesto sa politics.

vuukle comment

POLITICIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with