Kim Domingo, super trending nang magpa-food truck sa taping ni Cha Eun Woo sa Korea
Soshal si Kim Domingo. Bidang-bida siya sa mga Korean online news at dito rin sa atin. Hot item sa social media ang ginawa niya sa iniidolong South Korean singer/actor at miyembro rin ng Astro boy band na si Cha Eun Woo.
Imagine nagpadala siya ng food truck sa set ng sino-shoot na drama series ni Cha Eun Woo na A Good Day to be a Dog sa South Korea.
Kinabog niya ang mga ibang local celebrity na baliw-baliwan sa Korean actors and pop artists.
Well, ‘yung amount pwede naman kasi, baka ang daming raket ni Kim, pero ‘yung effort na mag-order nito at i-deliver sa set na alam naman nating strict, impressive.
Siyempre konti lang ang faney na nag-effort ng ganito dahil expensive at siyempre effort nga unless may connect ka siguro.
Ang naalala kong nagpa-food truck din ay si Jinkee Pacquiao sa taping ng Korean actor na idol niya, si Ji Chang-wook. Pero Jinkee naman siya at sikat sa Korea si Manny Pacquiao.
Kaya hindi na bago ang pagpapadala ng food truck ng fans para ipakita ang pagmamahal nila sa iniidolo pero iba siyempre ‘pag Pinoy fan.
Sa official Twitter page ng Astro ay nagpasalamat ang Korean heartthrob kay Kim habang nasa harap siya ng food truck. “I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well. Thank you so much,” ang caption nito.
“Teacher Seowon Chaiting!!!,” aniya pa.
Kaya achieved naman talaga ang kilig ni Kim.
Seowon ang pangalan ni Eun Woo sa ginagawa niyang drama at gumaganap siyang teacher. “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting! – from Philippines, Kim Domingo,” ang message ni Kim.
Bongga, nag-trending kaagad si Kim sa Twitter dahil thankful din ang fans ni CEW sa Kapuso actress.
Maaalalang nag-trending din si Kim last year nang makipagpilahan siya para bumili ng ticket sa fan meeting dito sa bansa ng K-pop superstar kahit puyat siya galing sa taping.
Nagpadala rin siya noon ng rice wreath sa isang fan meeting ni Eun Woo sa South Korea – September, 2022.
Habang noong November, 2022 ay nagpa-private screening siya para sa Korean film ni Cha Eun Woo na Decibel.
Literal talaga ang pangangabog ni Kim noh.
Pero hindi naman kaya i-label na siyang ‘obssessed fan?’
- Latest